Chapter Thirteen (Matured)

334 12 1
                                    




Chapter Thirteen - PUNISHMENT





Alena's POV

Nasa isa akong madilim na silid ngayon, kung saan ang tanging sinag na nagmumula sa buwan ang nagbibigay ng liwanag.

Mula sa kinaroroonan ko, malinaw na nakikita ko ang kahabag-habag na anyo ni Segundo. Ang kanyang buong katawan ay balot na balot ng dugo.

Nakaluhod siya at ang kanyang mga kamay ay nakataas, tila umaabot sa akin.

"Tulungan mo ako, Alena..." lumuluha at nagmamakaawa siya.

Pinilit kong abutin pabalik ang kanyang mga kamay, ngunit ang mga kadena na nakakabit sa aking katawan ang nagiging hadlang upang maisagawa ang aking hangarin. Naiiyak na rin ako dahil sa sitwasyon.

"T. U. L. O. N. G!" umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Segundo nang may lumapit sakanyang lalake. Hindi ko ito mamukhaan dahil sa mask na abot ang buong mukha; hindi ko matanaw ang hitsura nito.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang lalaki na bumunot ng baril mula sa kanyang tagiliran. Tinutok niya ito kay Segundo.

Sinubukan kong kumawala sa mga kadena na nakakabit sa aking katawan upang tulungan si Segundo, ngunit ang mga ito ay sobrang mahigpit. Hindi rin ako makapagsalita. Walang boses na lumalabas mula sa aking bibig.

Pinilig ko ang aking ulo ng ilang beses nang makita ang di-kilalang tao na dahan-dahang pinuwersa ang gatilyo ng baril. Malinaw na nakikita ko ang pagmamakaawa ni Segundo sa akin na tulungan siya. Ang kanyang mga mata ay puno ng takot, pagmamakaawa, at pighati.

Wala akong magawa kundi umiyak.

Nanlaki ang aking mga mata, tumindig ang mga balahibo sa aking katawan, at natutop ang aking bibig nang tuluyan nang ipaputok ng lalaki ang gatilyo ng baril, na direkta sa noo ni Segundo.

B.O.O.G.S.H!!!!

Marahas akong napabangon mula sa pagkakahiga. Nanginginig ang aking mga kamay habang habol-habol ang aking paghinga. Panaginip lang pala iyon.

But that's the worst nightmare I've ever had.

Teka lang. Nasaan nga pala si Segundo?

Ang mabilis na pagtibok ng puso ko kanina ay mas bumilis pa. Tila mga nagmamadaling kabayo. Nanlamig ang aking mga kamay nang maalala ko ang mga huling sandali namin ni Segundo.

Pinatulog ako ni Thunder gamit ang isang syringe. At bago ako malunod sa dilim, malinaw na naririnig ko ang mga sigaw ni Segundo. Sigaw ng pagmamakaawa. At sigaw ng pagdurusa.

Ilang araw na ba akong tulog? Ilang araw na ba ang nagdaan? Hindi maaari. Hindi pwedeng patulog-tulog lang ako gayong nasa masamang kalagayan si Segundo.

Kung alam ko lang na ang aming plano sa pagtakas ay magwawakas nang hindi maganda, sana'y hindi ko na lang ito pinlano. Sana'y hindi ko na lang pinilit si Segundo. Kung sakaling may masamang mangyari kay Segundo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Thunder's Woman Property Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang