Chapter Nine

400 10 4
                                    




Chapter Nine - SECRET PLAN





Alena's POV

Urat kong sinulyapan ang lalakeng pumasok. May hawak itong tray na naglalaman ng agahan ko habang nakaukit naman ang ngiti sa kanyang labi. Ano bang nakaka-enjoy sa bigyan ako ng pagkain?

"Kumain ka na, Alena," malambing niyang sabi bago ilagay ang pagkain sa lamesang nasa tabi ng kama ko.

"Huwag ka ngang ngumiti, Segundo," mataray kong sabi saka inikot ang mata ko sakanya. Tinawanan niya lang ako na para bang immune na siya sa ugali ko.

Limang araw, simula nang hindi na magpakita saakin ang demonyong Thunder na yon. Sa tingin ko ay nasa ibang bansa na siya at inaasikaso ang business niya. Sana doon na lang siya tumira at huwag ng bumalik dito.

Sa mga araw na wala si Thunder ay naiwan naman ang kanang kamay niyang si, Segundo, na sobrang kulit. Walang oras na hindi niya pinepeste ang araw ko. Kulang na lang ay itali niya ako sa baywang niya para mabwisit ng bente-quatro oras. But I guess, mas maganda ng siya ang makasama ko. Kahit makulit ay mukhang mapagkakatiwalaan naman, kesa doon sa isa na ubod ng sama.

Kumalam ang tiyan ko. Natawa naman si Segundo nang marinig yon. Napanguso naman ako dahil sa kahihiyan.

"Gutom na ang mga bulate sa tiyan mo, Alena. Kain na," asar niya. Mas ngumuso lang ako. Inis kong kinuha ang mga pagkain at sinimulang lantakan.

Napasulyap ako kay Segundo na nakatingin ngayon saakin habang nakangiti. Aminin ko man o hindi pero sobrang lakas ng dating ni Segundo. Malaki ang katawan niya na siyang hindi bumagay sa kanyang mukha na ang inosente tignan. Nangungusap ang kulay asul niyang mga mata at makapal na kilay. Mapula ang labi at matangos ang ilong. Perpekto ang wangis niya.

Pero hindi ko siya bet. Hindi siya pasado sa standard ko.

"Tigilan mo ang pagtingin saakin baka ma-inlove ka," biro niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Asa ka."

Tinawanan niya lang ako.

Nang matapos na ako sa pagkain ay ibinalik ko ito sa tray at inabot sakanya.

"Salamat sa food."

"No problem, para sa irog ko." Hindi ko narinig ang huli niyang salita dahil masyado itong mahina. Tatanungin ko pa sana siya kaso ay mabilis niya lang niligpit ang mga pagkain at agad na lumabas sa kwarto.

Ni-lock niya ang pinto bago tuluyang umalis. As if naman na tatakas ako. Magagawa kong makaalis sa bahay na ito pero ang makaalis sa isla? Ayan ang malabong mangyari. Alang-alang naman na languyin ko ang dagat, eh hindi naman ako marunong lumangoy. Beside, nakakalat ang mga tauhan ni Thunder sa buong isla. Baka unang tapak ko pa lang sa labas ay lumilipad na mga bala agad ang madatnan ko.

Humiga ako sa kama saka nag-isip ng taimtim. Kailangan kong makaalis dito bago umuwi si Thunder. Hindi ko kakayanin kung magtatagal pa ako rito. Baka mabaliw na ako.

Private island daw to, sabi ni Segundo at pinagbabawalan nila ang ano mang transportasyong pandagat na pumalaot malapit sa isla kaya malabong makahingi ako ng tulong mula sa labas.

Ang plano ko ngayon ay pilitin si Segundo na tulungan akong makatakas. Tutal, kanang kamay naman siya ni, Thunder, paniguradong sisiw lang sakanya ang ipuslit ako palabas ng isla.

Thunder's Woman Property Where stories live. Discover now