Chapter One

335 12 0
                                    

Chapter One

Maaga ako nagising ngayon para tumulong kay Mama sa small coffee shop namin sa may ibaba lang ng bahay. Natigilan pa nga ako nang mapanuod syang magtimpla ng kape.

"Emilia."

"Ma," inayos ko ang sarili ko. "Nakausap ko na po si Gailor. Punta daw sya dito."

"Anak, kaya ko naman magawan ng paraan."

"Ma, babayadan ko naman. Kesa mawala itong Café Gusto."

"Kaya ko naman."

Sinuway ko sya at kumuha na ng order. Maliit lang itong space namin dito. Naipundar ni Mama noong maghatian sila ng mga kapatid nya sa lupa na naibenta.

"Ma, pasok na ako." Dire diretso si Kira palabas.

"Huy Kira! Agahan mo uwi!"

"Hayaan mo na."

"Namimihasa na, Ma."

"Parang hindi ka ganyan dati, Emilia?"

Ngumuso ako at pinanuod nalang syang magtimpla ng kape. Sabi ni Mama nag aral daw talaga sya dati dahil mahilig sya magkape talaga.

"Pagnakahanap ako trabaho, Ma. Palawakan natin itong Café Gusto."

"Sige, ikaw na bahala."

"Lalo na pag naging sikat na writer ako!"

Natawa si Mama sa akin. Libangan ko lang naman talaga ang pagsusulat, nawiwili kasi ako. Sabi pa ni Gailor bakit daw hindi ko itry ipasa sa mga publishing company. Kako wag na.

"Yuhoo!"

Tumunog ang bell sa itaas at narinig ko agad si Gailor. Dumiretso sya kay Mama para yakapin at halikan sa pisngi.

"Gailor."

"Naku, namiss kita." She even giggled. "To the rescue ako today!"

"Hindi na kasi kailangan."

"Si Tita naman! Okay lang kahit matagalan ang bayad."

Pinanuod kong iabot ni Gailor ang hiniram kong pera para sa Café Gusto.

"Isang spanish latte!" Utos nya sa akin.

Inirapan ko nga.

"Dito ka na uli?"

"Punta akong Isla Verde, may coverage ako dun."

Nilapag ko sa harapan nya ang Spanish latte. Sumimsim nga sya agad dun.

"Oy! Nga pala, gusto mo work? Graduate ka ng arts?"

"Masscom tanga."

"Pero diba magaling ka sa mga graphic arts or design? Tyaka sa edits?"

"Bakit?"

"Alam mo, guardian angel mo ko." Pumalakpak pa sya.

"Baka kako hinulog ka ng langit."

She made a face. "Anyway! Ayun nga naghahanap ng digital graphic designer ang Talking Pages! Baka para saiyo na!"

"Saan?"

"Around Pasay ata? Sumabay ka sa akin paluwas, oramismo!" Excited nyang sabi. "Tyaka baka madiscover ka bigla as a writer habang nag wowork ka as their digital graphic designer!"

"Gailor! Gusto ko yan. Kailangan ko talaga ng trabaho, gusto ko kasi makatulong kay Mama."

"I got you! By thursday, bibiyahe na ako. Sabay na tayo ha."

"Oh my god! Hinulog ka talaga sa langit, Gailor!" Natutuwa kong pinisil ang pisngi nya.

Maarte nyang hinawi ang buhok nya. "Ako lang eto, si Gailor."

Flat White Cappuccino (Coffee Series)Where stories live. Discover now