Chapter Twenty Three

93 10 8
                                    

Chapter Twenty Three

Tempted to call Papa and asked him, why? But why should I call him? Eh ano ngayon kung magkakilala sila ni Archie?

I shooked my head and continue what am I doing. I was told that I should check the mall for our upcoming book signings events. All set naman na kaya pabalik na ako sa Talking Pages. Slightly hoping that I don't need to bump into Archie.

Abala ako sa pagkalkal ng id ko sa bag ko nang may narinig na tumawag sa akin.

"Emilia, anak."

My steps stopped upon seeing Papa. Kanina iniisip ko lang na tawagan sya para magtanong, pero nandito sya ngayon sa harapan ko.

"Kamusta? I didn't know you were invited in Don Luisito's birthday party."

"Are you invited also?"

Tumingin sa akin si Papa.

"Invited ka ba or related sa mga Garcia?"

"Chella is my wife now, Em."

"Chella?"

"Marchella Garcia."

Sunod sunod ang kurap ko sa narinig.

"She was my first love, anak. Alam ng Mama mo lahat ng storya sa likod nito."

"Sya yung dahilan para iwan mo kami basta. Hindi ka ba nag iisip, Papa?"

"Emilia." He firmly said.

I cleared my throat and stared at his face. All I know is that Marchella was the one who adopted Archie that's why he became Garcia. Ibig sabihin?

"Mas nagpaka-ama ka sa taong hindi mo naman anak kesa sa amin ni Kira, Papa?" Pakiramdam ko may bumara bigla sa lalamunan ko. "Iniwan mo ang mga anak mo para sa isang tao na hindi mo naman anak?"

"Anak, sorry. Hindi ko naman talaga kayo pinabayaan ni Kira. Nasa likod nyo lang ako...palagi."

Mula sa pagkakatitig ko kay Papa ay lumihis iyon sa likod at nakita ang nakakunot na noo ni Archie na papalapit sa amin ngayon.

"Emilia, gusto kong sabihin na hindi ako nagkulang at nagkamali ako basta sa desisyon mo, pero ang Mama mo ang nagtulak sa aking umalis na lang din."

Huminto si Archie sa hindi kalayuan sa amin. I stared at him, may alam ba sya? Alam ba nyang anak ako ni Reymart kaya mas may dahilan syang saktan ako?

My tears fell, nataranta si Papa at hindi alam ang gagawin. My heart hurt so much right now.

"Ang sakit, Papa. Na basta mo nalang kami tinalikuran para mas piliin ang karangyaan."

"Emilia."

Umiling ako at umatras.

"Tito Rey." Archie butt in.

"You planned this right? Bakit mo ba ako sinasaktan? Anong ginawa ko sayo?" Tanong ko kay Archie.

"Em. Calmed down."

Huminga ako ng malalim at umiling. Tumalikod ako at naglakad papalayo dahil hindi na kakayanin ng puso ko.

"Emilia, wait."

Dire diretso lang ako bago ako nahawakan ni Archie sa braso. Saktong pagharap ko, dumampi ang kamay ko sa pisngi nya.

"Masaya ka na ba, Archie?"

"Em, I didn't know, Tito Rey's your father."

"Alam mo ba kung gaano kasakit malaman sa akin na nagpaka-ama sya sa taong hindi nya anak at hindi nya kadugo kesa sa akin? Ang tagal kong nangulila sa ama, Archie! Bakit mo ba ako sinasaktan?"

Flat White Cappuccino (Coffee Series)Where stories live. Discover now