Chapter Three

157 7 1
                                    

Chapter Three

Maybe I was just hallucinating dahil sunod sunod na araw kong nakita si Archie. Baka pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko.

Lumayo ako sa lalaki at inagaw ang baso ng alak kay Gailor. Karylle is obviously drunk now. Hindi ko alam ang gagawin ko!

What if si Archie ito? Is he a stripper? Pero ang decent nyang tignan these past few days? What happened?

"Gailor." Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin.

Feel ko ako nalang iyong sober sa amin. Hindi pa lumalabas sina Jillian at Riley sa loob ng kwarto at ayoko nang isipin ang ginagawa nila.

"Oh god."

Kinuha ko na ang atensyon nung tatlong lalaki. But my eyes widen when I saw Karylle who's making out with the guy I thought Archie. Napakurap ako at hinila na si Gailor.

"Excuse me, we are all drunk. Salamat sa service nyo."

Hinarap ko si Gailor na nakangisi pa habang pinapanuod si Karylle at iyong lalaki.

"Okay! That's enough!" Hinila ko na din si Karylle.

She groaned.

"Okay na. Tapos na ang service nyo. Thank you."

Nakipagtitigan pa iyong lalaki sa akin, at ayoko talagang isipin na sya si Archie.

"Thank you! Call me." Kumindat pa si Gailor doon sa isa.

Sinuway ko nga at napabuntong hininga.

"Tara na. Ihatid mo na kami."

"Si Jillian ba?" Ani Chean.

"Hayaan mo na yun." Si Marella. Oh god buti sober pa ang isang tong.

Sya na ang nag offer na ihatid si Chean at Karylle dahil out of the way kapag si Gailor. Nagpaalam na kami kina Jillian sa loob ng kwarto at lumabas na.

Lumilipad pa din iyong isip ko sa thought ba baka nga si Archie iyon. Well, obviously he knows me. Tinawag nya akong Em! Pero I was beyond shock na stripper sya? Hindi naman sa jinujudge ko, gulat ako okay.

Masakit ang ulo namin pareho ni Gailor nang magising. Marella called us earlier in the morning.

"Hindi kasali talaga si Riley. Nagpumilit lang daw."

I scoffed. "Sa kanya naman ikakasal si Jillian."

"You know him."

Hindi natuloy pag alis si Gailor dahil masakit daw ang ulo nya. Habang kanina ko pa iniisip si Archie.

"Prob?" Gailor asked.

"Sinong nagpa-book ng stripper?"

"Chean. Why?"

I was hesitant to say it. Pero si Gailor naman ito.

"Remember the guy Karylle was making out with?"

Tumaas ang kilay nya. "What?"

"I think he's Archie?"

"Archie? Crush mo? How come?"

"I don't know. Feel ko baka lasing lang ako kaya naghallucinate ako na baka sya si Archie?"

Pumalakpak sya. "Oh my god! That is not a simple happy crush, Emilia!"

"Anong sinasabi mo?"

"Kasi iniisip mo na si Archie iyong lalaki. You were thinking about him!"

Napasimangot ako. It's not like that! Hay naku, hayaan ko na nga.

Sa bahay lang kami buong araw. I called Mama, nangamusta lang din. Pagkatapos hindi ko alam kung badtrip ba si Jillian o ano dahil sinundo nya kami isa isa para samahan sya kumain sa labas.

Flat White Cappuccino (Coffee Series)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant