Chapter Twenty One

93 8 5
                                    

Chapter Twenty One

Ang bilis kong napaangat ng tingin nang ilapag ni Archie ang isang kape sa harapan ko. He casually nodded and turned his back. Bumagsak ang tingin ko sa kape na may note pang "Keep going".

Sumandal ako sa upuan ko at marahang hinilot ang kamay kong may bandage. I already finished the book cover of Persephone's new book release. Maganda iyong buong story, tapos ko na kasing iedit iyon at for printing nalang.

Kakahigop ko lang sa kape nang magsitayuan ang mga kasama ko. Luisito Garcia entered the room, sa likod nya ang secretary na may dalang limang box ng pizza.

"Good Morning, Sir Luisito." Miss Catherine was the one who greeted him.

"Take a break, I heard na mataas ang sales ng book ni Ali. I would like to say good job."

"Lolo, busy kami." Singit ng boses ni Archie.

"Hindi ka kasali." Sagot ni Sir Luisito at sinenyasan na dalhin sa conference room ang mga pagkain.

Napapatantastikuhang napatingin si Archie sa Lolo nya dahil sa sinabi nito.

"Lo."

"Sabi mo busy ka diba? Para sa mga empleyado ito." Anito. "Sige, kain tayo! Mamaya na kayo magtrabaho."

Dinala ko ang kape at lumakad na sa gilid.

"Oh akala ko ba busy ka?"

"Kakain din ako."

Napapailing si Sir Luisito nang mauna pa si Archie sa mga empleyado. Then our eyes met, kiming napangiti ako kay Sir Luisito at nilahad ang double doors kanya.

Hinarang ni Sir Luisito ang dala ni Archie na platito at inabot sa akin. I immediately accepted it.

"Thank you po."

"Take a seat, hija."

Tinanong din ni Sir Luisito ang updates sa ibang librong for release na. Si Miss Catherine ang panay na sumasagot.

"Ang sakit naman. I was not invited in this small celebration?" Pumasok si Miss Jace sa conference room.

Didiretso na sana sya sa pizza pero lumihis para halikan sa pisngi ang matanda.

"What brought you here, Lo?"

"Bawal na ba ako sa sarili kong kompanya?"

Siniko ni Miss Jace si Archie at tumawa.

"Talking Pages is really in good hands, Lolo."

"Mag asawa na kayong dalawa, ipapasa ko na kay Alyssa Lian ang Talking Pages."

"What?! I object!" Hesterikal na sabi ni Miss Jace. "Si Archie nalang."

"He barely go on a dates, Jace."

"Si Thea! Diba?"

"Pag uusapan ba talaga natin dito ito?" Nakasimangot na si Archie ngayon.

"Kelan ang sunod na book signing event?"

"September, Lo. Kasado na." Sagot ni Miss Jace sabay palo sa braso nya.

Muntik na akong mabilaukan nang makita kong matamang nakatitig sa akin si Archie. Umiwas ako pero tingin naman ni Sir Luisito ang nasalubong ko. Jusko, ano ba yan!

Pagkatapos ng break ay isa isa na kaming bumalik sa mga trabaho namin. But Miss Jace called for me. Kumatok ako sa opisina nya at naabutan si Sir Luisito sa loob.

"Hi." Bati ni Miss Jace. "Anyway, Lo. Sa kanya iyong manuscript na ineedit ko noong nakita mo."

"Graphic designer nyo sya diba?"

Flat White Cappuccino (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon