Chapter Twelve

114 7 1
                                    

Chapter Twelve

Nakakatuwa na makitang dinadayo yung Café Gusto ng mga estudyante. Nalaman daw nila kay Kira na may maliit na coffee shop dito.

"Salted caramel, Ma?"

"Ito yung ilalagay na, iba sa caramel macchiato."

Tumango ako at pinanuod ang ginagawang pagtimpla ni Mama dun.

"Sa Flat white cappuccino, Ma?"

"Hindi ko pa alam yung timpla. Pero pinag aaralan ko na."

Inabala ko ang sarili ko sa pagtulong kay Mama sa Café Gusto. Hindi din muna ako nagcheck ng emails ko. Pabalik na din naman ako sa Pasay bukas.

"Nakasimangot ka, Kira?" Pansin ko sa kanya.

"Mama, si Ate!"

"Emilia. Hayaan mo na."

Binelatan ako ni Kira kaya inirapan ko sya. Madami dami kaming customer ngayon kaya alam kong napagod si Mama.

"Ako na, Ma. Pahinga ka na sa taas."

"Ma, sama na ko."

"Kira!"

"May assignment ako ate!"

Hinayaan ko nalang nga at ako na yung naiwan ditong maglinis. Pagkatapos, nagawa ko pa ngang magtimpla ng kape. Nagtry ako nung Flat white cappuccino.

Taimtim akong sumimsim sa tasa nang mapasigaw ako sa gulat dahil biglang nasa harapan na ng Café Gusto si Ace!

"Ano ba! Papatayin mo ba ako!"

"Kanina pa ko dito. Ang busy mo."

Tumayo ako at pinagbuksan sya ng pinto.

"Ano namang masamang hangin at napadpad ka dito?"

"Asan sina Tita Rose?"

"Sa taas na."

Umupo sya at ginulo ang buhok.

"May girlfriend ka siguro dito."

"Hindi, hinila ako ni Ate Jelay para hanapin si Kuya Hans. Tapos ayun nagkita sila, ayoko lang maipit sa kanila ngayon."

"Kaya nandito ka?"

"Namiss kita." Lumumbaba pa sya. Naupo ako uli. "Anong bago sayo?"

"Wala. Maganda pa din."

"Mas maganda nga lang si Gailor sayo."

Inambahan ko sya ng suntok, natatawa nyang sinalo ang kamay ko.

"Maganda ka, oo."

Tinagilid ko ang ulo ko sa kanya. "May problema ka ba?"

"Wala ah. Okay ako, Em."

Tumayo sya para pasadahan ng tingin ang buong Café Gusto. Humalukiphip pa sya.

"Wala kang girlfriend ata ngayon. Nauumay ka pala?"

"Gusto mo bang mag apply?"

Umirap ako. Huminto sya sa harapan ko, my breathe hitch up. Hinawakan ni Ace ang baba ko para magpantay ang tingin namin. Mabilis kong pinakiramdaman ang sarili ko.

"Ace."

"Nasa mata mo pa din yung nunal mo. Buti di ka nakakakita ng mumu?"

"Meron ah." Sabi ko. "Nasa harapan ko ngayon."

"Gagi."

Lumayo ako sa kanya at dinala sa hugasan ang mug.

"Tapos ka na ba dito?"

Flat White Cappuccino (Coffee Series)Where stories live. Discover now