Chapter Fifteen

112 8 6
                                    

Chapter Fifteen

Isa ako sa mga kasama para sa book signing ni Miss Ali this week. Bale dalawang araw iyon kasi madaming pupunta sa isang araw at hindi kakayanin ng schedule.

"Sa smx na didiretso si Ali. All we need to do is assist her needs." Bilin ni Sir LA sa amin.

Kay Lucy ako kadikit, sya iyong assistant production ng Talking Pages. Kailangan naming mauna sa mismong event para icheck kung may problema ba.

"Hindi po pantay." Bigla kong nasabi.

"Saan?"

Tinuro ko yung malaking signage ng pen name ni Miss Ali na Dew Berry.

"Thank you, Em."

Tumulong na din ako sa pag aayos ng mga upuan habang nakikita na isa isa nang dumaging ang mga tao na readers ni Miss Ali.

"All set, nasa parking na daw si Miss Ali."

Chineck ko isa isa ang mga libro na nandoon, natuwa pa ako para sa sarili kasi ako yung nagdesign nung book cover. First try, hindi ako makapaniwalang nagustuhan agad ni Miss Ali. I made a mental note to buy one book later at papapirmahan ko din sa kanya.

"Good afternoon, thank you for giving us a time for this book signing." Panimula ni Archie. "As a promise, Dew Berry will be present for today's event."

Tumayo si Miss Ali sa tabi nya at kumaway sa mostly mga kabataang readers.

"Hi."

Isang tilian ang nangyari kaya natawa sya.

"Thank you for still supporting me, despite of being missing in action always. Thank you sa pag purchase ng book! And also, as a promise, handsign ang pirma ng mga librong nabili nyo plus a freebies."

Pumalakpak kaming lahat. Ganito din ako dati, college siguro ako nang mabaliw sa mga story ni Miss Persephone. High school, freshmen, nagsimula na din ako magsulat ng mga stories. I was once dreamed this also.

Inassist ko ang mga nakapila dahil medyo malikot sila. Kapagkuwan ay gumilid ako at tumayo. I sighed ang held my id lace.

"Water?"

Archie casually handed me a water bottle. I accepted it and took a sipped from it.

"Sir LA?"

He attended the staff who called him. I continue watching how Miss Ali handle the book signing. Sabi pa ni Lucy kanina, first signing event daw ni Miss Ali na solo kasi mostly lagi syang may kasabay na dalawang author din.

"Excuse me, for awhile, mag lunch break nalang po muna tayo."

"Em, may baon ka ba?" Tanong ni Lucy sa akin.

"Ah, baka po bumili nalang ako."

"Sige, dito na muna kami. You can take your lunch break."

Napansin kong naglagay ng cold compress si Archie sa kamay ni Miss Ali. Iniwan ko na yung bag ko at nagdala lang ng wallet. Umalis ako ng tahimik sa event para pumunta sa malapit na kfc.

"You didn't wait for me."

I gasped when I saw Archie beside me.

"Where are you eating?"

"Bakit? Kailangan ka dun diba?"

"Hindi ako pwedeng maglunch break din?"

Tinikom ko nalang ang bibig ko at naglakad na. Ramdam ko syang nasa tabi ko. Tahimik syang pinapasadahan ng tingin ang menu board.

"Chicken akin." Sabi nya.

Binuksan ko na ang wallet ko para magbayad pero nauna syang mag abot kaya sa kanya ko inabot yung pera ko.

Flat White Cappuccino (Coffee Series)Kde žijí příběhy. Začni objevovat