Chapter Two

164 9 0
                                    

Chapter Two

Dumaan ako sa Home Gallery bago ako pumasok sa work. Gumilid ako pagkabayad ko at halos matigilan nang makita ko na naman uli iyong lalaki.

Kumurap lang ako at umiwas nang umikot ang mata nya. What the? Ayoko umasa sa mga unexpected na pagkikita namin.

"Flat White Cappuccino for Em."

I was hesitant to reach my cup of coffee kasi nakasunod iyong mata nya sa akin. I can almost feel my cheeks burned.

"Excuse me." Mahina kong sabi sabay abot sa kape ko.

Sumimsim ako agad at tumalikod na. Sa kabilang kalye lang iyong building ng Talking Pages kaya nilakad ko nalang. Tumayo ako sa kumpol ng mga tao na papatawid habang sumisimsim sa kape ko. Kaya lang pagbaling ko sa gilid ko nasamid ako dahil katabi ko sa pwesto ang lalaki at may aliw sa mata nyang nakatingin sa akin.

"Tissue?" He offered.

Pinunasan ko ng likod ng palad ko iyong labi ko at binagsak ang tingin sa tissue na inooffer nya.

Tumunog ang alarm na pwede nang tumawid. I took off of my eyes at him, mabilis akong lumakad para makatawid. More likely makalayo sa kanya. Gagi, ang init ng magkabilang pisngi ko now.

"Hi Good Morning." Salubong ni Ma'am Jace sa akin. "I'll show you your work place."

Tumango ako sa mga tao doon.

"Catherine, paki-assist si Emilia. She's our new graphic designer." Ani Ma'am Jace. "Emilia, she's Catherine, secretary ni Sir LA."

"Hi, welcome."

"Thank you po."

"I'll leave you two. Good luck on your first day."

Nilahad ni Miss Catherine ang table ko, nagulat nga ako kasi complete mga gamit doon. May drawing pad, sariling computer.

"This will be your work place. I'm sure aware ka naman sa work related mo?"

"Opo."

"We'll be noticing you kung anong next design para sa mga possible published book this month. Tapos ipapa-approve pa kay Sir LA."

"Noted po, Miss Catherine."

"For now, familiarize yourself with your work place, okay?"

"Thank you po."

Umupo ako sa upuan nang magpaalam si Miss Catherine. Alam ko naman gumamit ng drawing pad kasi nakakahiram ako ng ganito sa mga kaklase ko dati.

Lumipas ang oras na wala naman akong ginawa pa sa ngayon. Tapos naglunch na. I stood up and decided to have a lunch outside. Sa may kfc sa tapat lang din ng building.

"Okay lang, Gailor. First day siguro kaya wala pa akong ginagawa masyado."

[But sure na okay ka?]

"Yes. Don't need to check on me."

Lumabas na ako ng building, understand naman na wala pa akong masyadong nakakausap since first day ko palang. Pagkatapos namin magtawagan ni Gailor, unexpected na nakita ko na naman iyong lalaki. Or sadyang mabilis lang syang nakikita ng mata ko since crush ko sya at isa pa gwapo talaga.

I acted normal nang sabay kaming tumawid. Probably, he worked around the area. At syempre nagkaroon ng reason siguro para ganahan naman ako magwork kasi around the area lang pala iyong crush ko.

Lumihis sya nang makatawid, tumanaw pa ako bago ako pumasok sa kfc.

Pagkabalik ko sa building, may isang note na ako doon. Tungkol sa gagawan ko ng design. Kahit draft lang daw muna dahil on leave pa daw si Sir LA. I wonder how is he as a CEO. Mukhang kagalang galang sya ah kasi lahat need to approve by him.

Flat White Cappuccino (Coffee Series)Where stories live. Discover now