Chapter Seventeen

100 9 1
                                    

Chapter Seventeen

"Sandali! Hindi kasi kami kasali doon!" Nakipagsiksikan ako.

"Sir! Sandali po, dayo lang kami." Humabol na si Miss Ali. "Nicholas ano ba!"

Kinuha ko iyong wallet ni Archie, pakiramdam ko nahulasan sya sa nangyayari.

"Hindi nyo ba kilala tong kasama ko? Mayaman to!"

"Em, that's enough."

"Ayan oh!" Hinarap ko iyong id, balewala ang sakit ng pulso ko. "Ayan! Leopoldo Aguinaldo!"

"Em."

I blinked. Umandar na ang saskayan kung nasan kami. Humahabol pa si Miss Ali sa amin pero natulala ako. Sinilip ko iyong isang id nya, Liam Archie Garcia.

"Tss." Hinablot nya pabalik.

Dinala kami sa presinto pero ako pilit pa din pinoproseso ang nakita ko. Ibig bang sabihin?

"Huwag nyong itulak, babae to." Hinarang nya ang sarili sa akin.

"Archie!" Pumasok agad si Miss Ali na kasunod si Nicholas. "Hindi sila kasali sa sugalan."

"Any proof?"

Hinarap ni Miss Ali si Nicholas sa mga pulis. Kalaunan ay narealize din ng pulis na hindi kami taga doon. Sumandal ako sa sasakyan ni Nicholas.

"Water?"

Archie is quiet beside me as he handed the water bottle. Nasa loob pa ng presinto si Miss Ali at Nicholas.

"Sorry." Sabi ko.

"Para saan?"

"Sa mga nasabi ko kay Leopoldo. I really thought he's a different person."

Tumango lang sya at hinilot ang sentido.

"It's okay, Em."

Lumabas na si Miss Ali at Nicholas.

"Kaya mo bang bumiyahe, Arch?"

"Can we stay for today? I wanna rest first."

"I had a place." Si Nicholas.

"Wag na, mag hotel nalang kami."

Hindi ko alam kung coincidence lang ba or pahirapan kami mag hanap ng hotel. Sa huli kahit ayaw ni Miss Ali ay sa bahay ni Nicholas kami tumuloy.

"Hindi ba delikado iyong sasakyan ni Archie?" Tanong ni Miss Ali kay Nicholas.

"Kunin nalang natin."

Dumiretso na si Archie sa kwarto na nilahad ni Nicholas sa kanya. Nagpaalam si Miss Ali sa amin. Dumiretso ako sa kusina ni Nicholas kasi sabi nya may kape daw doon at dadaan nalang sila sa fast food para bumili ng pagkain.

"Hello, Gailor... Bukas na ako uuwi."

[Aba't asan ka?]

"Lucban. Kasama ko si Archie at Miss Ali."

[Sige. Trabaho lang pala, akala ko lumalandi ka.]

"Siraulo ka talaga."

Gumawa ako ng dalawang tasa ng kape at kumatok sa kwarto. Nas cr si Archie nang makapasok ako.

"Ah, gumawa ako ng kape."

Mula sa paglapag ko ng tasa ay sumunod ang mata nya sa pulsuhan ko.

"Take a seat, Em." Aniya.

Umupo sya sa kama at sumenyas sa akin. Tahimik na naupo din ako, hinawakan nya iyong pulso ko, masakit kaya napangiwi ako.

"Ang likot mo kasi kanina."

Flat White Cappuccino (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon