Chapter Sixteen

95 7 2
                                    

Chapter Sixteen

Taimtim akong nakaupo sa sofa ngayon nang magtext si Karylle, ready for pick up na daw yung birth certificate ng kaibigan ni Archie. I was bitting my lower lip as I compose a text to Archie.

Limang minuto siguro bago ko na-send yung text, wala naman reply baka napuntahan na nya. I locked my phone and continue what am I watching.

My phone lit up.

Karylle:
dzai, di pumunta si Archie. Sarado na kami, by monday na to.

Kumunot noo ko. Hindi sya pumunta? Natanggap nya ba text ko? Either way, bahala na sya.

Tambak kami ni Gailor ng mga labahin kaya iyon ang inatupag ko sabado ng umaga. Abala naman si Gailor dun sa niluluto nya.

"Pahingi ako."

"Ayaw."

"Nilabhan ko mga damit mo."

Ngumiti sya agad. "Ay, sige. Madami to, kasya sa atin."

"Ano meron ba?"

"Bisita daw sila Chean. Ayaw daw nila magbar kaya dito nalang."

Tumango tango ako at tinapos na ang paglalaba. Sunod ay naglinis kami ni Gailor ng buong apartment. Nadistract pa sya sa mga weird things na nakita nya.

Alas singko nang isa isa nang dumating ang mga kaibigan namin. Kanya kanya sila ng dalang pagkain, bigla ngang umingay ang buong bahay dahil sa kanila.

"Ay fresh from honeymoon." Puna ni Karylle kay Jillian.

"Now lang kayo umuwi?"

"Last week pa, pero syempre tuloy ang honeymoon." Humagikhik pa si Jill.

Rare lang yung ganito sa aming magkakaibigan, walang alak or party na involved. Wholesome na sa amin iyong puro pagkain lang sa table tas walang sawa na usapan about life. Marella and Jillian were sharing their experience being married. Nakita kong taimtim na nakikinig lang si Gailor tas panay tanong naman si Chean.

"Si Karylle, never yan magtatanong ng experience."

"Hoy, diba, gusto mo kano?" Singit ni Marella. "Iyong nasa us embassy!"

Sinuway naman ni Karylle. "Gaga, ayoko dun. Ang sungit."

Nagsalin ako ng macaroni salad sa bowl ko habang nakikinig sa kanila.

"Di pa ba nagpo-propose si Justice?" Tanong bigla ni Marella.

"Grabe talaga yung hustisya na yun!" Si Gailor naman.

"I don't wanna rush him, baka kasi magpropose sya bigla tapos may pressure pa. If he want, then go." Kaswal na sabi ni Chean.

"Tapos iiyak iyak ka kasi gusto mo na din mag settle pero ayaw naman magpropose ni Justice."

Umirap si Chean.

"Hayaan nyo na nga." Singit ko. "Ang hirap nga naman ng may pressure."

"Oy, pag usapan natin ang beshy ko na may crush na stripper pero CEO pala." Singit ni Gailor.

I made a face.

"Hindi ko na sya crush."

"Mahal mo na?" Si Jillian. "Since hindi naman pala sya stripper. May chance."

"Hindi nga."

"Najugjug ka na ba, teh?" Si Marella naman. "Masarap?"

Natigilan ako sa tinanong nila.

"Shit! Namula! Kelan to huh?" Tinuro pa ako ni Chean.

"Gagi, nakakahiya mga tinatanong nyo kaya namula ako."

Flat White Cappuccino (Coffee Series)Where stories live. Discover now