Chapter Five

158 8 1
                                    

Chapter Five

I cleaned the whole apartment Saturday morning. I also called Mama to check on them, ayos naman daw ang Café Gusto ngayon. Pagkatapos ay si Gailor naman ang tumawag, sinabihan ko sya na tatawag ako kapag may problema. Kako binayaran na daw nya ang bill ng kuryente ngayong buwan, mabilis kong sinabi na ako na sa tubig dahil malapit na ang cut off, may first sweldo na ako.

Apparently, my manuscript was still pending. Hindi naman na ako naghahangad ng kung ano. Kung ibibigay sakin, di okay pero kung hindi okay lang din naman.

Pinapatuyo ko pa ang buhok ko nang maupo sa sofa para manuod ng tv. I was trying to take off my mind to Archie.

Kahit ilang beses ko atang sabihin na happy crush, ang laki ng posibilidad na baka lumala. Not when I'm always seeing him around. Hindi din issue ang pagiging stripper nya! Basta, trabaho lang dapat ang focus.

Monday. I was early for today, nagkatitigan agad kami ni Miss Catherine kaya tumango ako.

"Tapos ka na ba sa finished touch?"

"Okay na po, naisend ko na sa email nyo."

"Thank you, Em." Mula sa ipad na hawak nya ay mabilis nyang inangat iyon. "Papasok na kasi si Sir LA."

"Sige po, Miss Catherine."

Usap usapan sa buong building si Sir LA. Hindi naman ako curious o kung ano kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa mga iba pang gagawin ko.

But Sir LA didn't show up. Kumibit balikat ako at hindi na binigyan ng pansin iyon. I save my drafts and stood up.

"Gi, coffee lang ako. Baka kasi maghanap si Miss Catherine."

"Sure."

Dala ko ang wallet at cellphone ko nang bumaba ako sa building. Chineck ko sa google maps kung may malapit ba na Brunch n Munch or Home Gallery dito sa area. Mukhang meron naman, lalakadin ko nga lang.

Wala naman na akong gagawin kaya nagsimula na akong bumaybay sa gilid para maglakad. Ang busy ng mga tao dito sa Makati.

Merong branch ng Home Gallery ten minutes na lakadan mula sa Talking Pages. Pumasok ako doon at dumiretso sa counter para umorder.

"One white cappuccino for Archie."

I frozen upon hearing that name. May lumapit na lalaki sa gilid ko, pero base sa amoy nya. Alam kong si Archie nga ito.

"No work?" He casually asked.

Doon na ako napatingin sa kanya. Magulo ang buhok nya at bahagyang bukas ang tatlong butones ng suot nyang dress shirt.

"Coffee break." Sagot ko. "Ikaw?"

"Pauwi palang. Duty." Maikili nyang sagot sabay simsim sa kape nya.

"Flat white po for Em."

I accepted my coffee and turned my back. Duty?

"Akala ko nagresign ka na?"

"You were concerned?"

"Ha, ano lang... Curious." Sagot ko. "Sorry, if I was asking too much."

Straight syang tumingin sa mata ko.

"I'll walk with you." Luminga sya s paligid. "Was it safe? Baka makita tayo ng boyfriend mo?"

"Boyfriend?" Kumunot ang kilay ko.

"Hindi mo boyfriend yung sa kfc?"

"Oh. That, nope. He's my friend."

Sumimsim sya sa kape nya at tumaas ng bahagya ang kilay. Nagsimula na akong lumakad, nasa gilid ko sya.

Flat White Cappuccino (Coffee Series)Where stories live. Discover now