Chapter Twenty

95 7 3
                                    

Chapter Twenty

I saved the last draft design, may lunch date kami nina Chean ngayon. Since sabay sabay kaming walang gagawin. I texted Gailor, but she's not replying.

Lumabas na ako ng building at sumakay na ng ejeep papunta sa area ni Chean dahil doon kami magkikita kita ngayon. Kumukulo na iyong tiyan ko and I'm really hungry.

Kumpleto na sila noong makarating ako doon, I kissed their cheeks and settled.

"Si Gailor ba?"

"Nasa Isla Verde."

Kumunot ang noo ni Jillian. "Lately, palagi syang nasa Isla Verde. Related sa work nya?"

"Siguro. Alam mo naman yun sobrang dedicated sa trabaho nya."

We started grilling some meat, idea ni Chean at Karylle ang magsamgyup ngayon. Inabala ko ang sarili sa pagkain. Nagsimula na silang mag usap usap sa isang topic. Nakikinig ako at sumasagot naman kapag kailangan.

Pagkatapos namin kumain, dumaan kami sa Home Gallery para bumili ng mga kape namin. Nagulat ako sa biglang pagyakap sa akin ni Jillian.

"Are you okay, Em?"

"Ha, oo naman." I even smiled at her.

Natagalan pagkuha sa order ni Marella, kalaunan nang maghiwa hiwalay na kami uli. Sumakay uli ako sa ejeep na padaan sa way ng building ng Talking Pages. I was casually sipping on my flat white coffee.

Dahil spacing out ako, hindi ko namalayan na si Archie pala iyong katabi ko sa loob ng elevator. Seems like he's been watching me, kaya halos masamid samid naman ako.

"Here." Nilahad nya ang panyo nya.

Umiling ako. "May tissue naman."

And again, the awkward feeling crept into me. Ewan ko ba, pero siguro sa akin lang. He seem so casual after what happened! Damn, Emilia! Malandi ka kasi!

Kulang nalang mag-praise the lord hallelujah ako nang bumukas na ang pinto ng elevator. I immediately went to my cubicle. Napasinghap pa ako dahil pagbaling ko sa gilid, nakatayo si Archie doon. Damn!

"Yes, Sir?"

"Are you done with the design?"

"Ahm, rendering nalang."

Yumuko sya ng bahagya. Naramdaman kong tumibok ng mabilis ang puso ko. Damn! Damn!

"Can I see it?"

Binuhay ko ang computer at pinakita sa kanya ang file. Umisod ako ng konti dahil mukhang di sya aware na ang lapit nya sa akin ngayon. Damn this man!

"Okay. This is good." Umayos na sya ng tayo.

"Sige po, Sir."

He nodded and left without a word, bumuga naman ako ng malalim na hininga. Ano ba to!

"Okay lang, Ma. Pauwi na po ako."

[Take a rest anak. May gusto ka ba pag umuwi ka?]

I sighed. "Macaroni salad, as always, Ma. Thank you."

Pagkatapos ng mga bilin nya, nagpaalam na sya. Tinago ko ang cellphone ko sa bag ko at humalukiphip na bumaling sa binata. Nakasakay na ako sa ejeep at pauwi na ako ngayon.

Hindi ako nagbasa pagkauwi ko, nagpalit lang ako ng damit at pagkatapos ay nilagyan ko ng bandage itong kamay ko. Nangingimi na kasi kaya hindi ko dapat basain kundi pasmado ang abot ko nito. Naupo ako sa sofa at nagsimula nang magscroll sa cellphone ko. Madaming feedback sa book release ni Miss Ali ngayon. Baka nga magkaroon kami ng re-print kasi talagang nagkaubusan na.

Flat White Cappuccino (Coffee Series)Where stories live. Discover now