Kabanata 3

135 11 2
                                    

Ang Muling Pagtatagpo

***

Stella's POV

"S-sino ka?!" Natataranta kong sabi nang bumalik sa normal ang aking paningin.

My eyes immediately gazed back at the birthday card, but I startled when I realized that the picture of the soldier is now gone. Blanko na lang ito.

Don't tell me.... Lumabas ang sundalong nasa picture at siya na ngayon ang nasa harapan ko?

No, no! No way!

Natataranta kong dinampot ang birthday card at ilang beses itong chineck, ngunit wala na talaga roon ang sundalo.

Fuck!

Muli kong tinignan ang lalaking nasa harapan ko, pinilit kong i-analyze ang mukha niya...

Ang sundalong ito... Siya nga ang nasa birthday card! Sigurado ako! Pero paano nangyari 'yon?! Hihimatayin na ata ako!

Tinitigan ko siya ulit pero nahuli ko lang siyang nakatitig sa akin, may lungkot ang mga mata. Napalitan ng pagtataka ang natatakot kong titig sa kanya nang nag simulang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. B-bakit? Anong ginawa ko?

Biglang kumirot na naman ang puso ko habang tinitignan ang lalaking ito kaya nilagay ko agad ang palad ko sa aking dibdib, sinusubukan pakalmahin ang puso.

"R-Remedios..." Sinabi ng sundalong nasa harapan ko sa isang baritonong boses.

Remedios daw? Sino? Ako? Baliw ba 'to? Huhu. Naman oh! Saan ba galing 'tong taong 'to? Natatakot na ako! Daddeeeh!

Nakita ko ang pag tulo ng kanyang luha sa aking harapan. His tears makes me wanna cry to death. I don't even know why but... I feel like... my heart is now breaking into pieces.

"A-Ang tagal... tagal... kong hinintay na makita kang muli..." He uttered. Tuloy tuloy pa rin ang pag tulo nang luha niya kaya hindi pa rin ako makapagsalita. "A-akala ko, tuluyan nang ipagdadamot sa akin ang kagustuhang masilayan ka..."

Akmang lalapit siya sa akin at yayakap, dahil sa kanyang arms na naka wide open pero ako naman ay bigla umatras.

"Don't you dare!" Sigaw ko sa kanya at nag form pa ng cross sign using my two index finger.

Napahinto siya sa pag lapit tsaka ako tinignan nang may pagtataka. Kitang kita ang gulat sa kanyang mukha kaya naman pinunasan na niya ang mga luha niya. Nang maayos ang kan'yang sarili ay agad niya akong tinignan ulit.

"Hindi ko maunawaan ang iyong tinuran, Remedios.... Saan ka natuto niyan? Paano? Kailan?" Sunod sunod niyang tanong.

"Hindi ako si Remedios!" Sigaw ko sa kanya.

Nanlaki na naman ang mga mata niya sa gulat dahil sa naging pag sigaw ko.

"Galit ka ba sakin?" He asked. "Remedios... pakiusap—"

"Hindi nga ako si Remedios!" I shouted. "Tatawag ako ng pulis sige!"

The man infront of me looked at me with a sorrowful eyes.

"G-Galit ka pa rin ba dahil sa pag lisan ko sa Dagupan?" Basag na ang boses niya ngayon.

"Sorry manong pero hindi talaga ako si Remedios kaya hindi ko alam ang siansabi mo."

"I-Ikaw si Remedios, ikaw yun... Ikaw ang mahal ko...." Sabi niya nang hindi makapaniwala habang pumapatak muli ang mga luha niya.

Ano bang sinasabi nito ni koya? Na c-creepy-han na ako pero nasasaktan rin ako. Napakalabo.

Úlitimas Órdenes del General (GLO)Where stories live. Discover now