Kabanata 18

208 4 0
                                    

Ang Pagliligtas kay Telesforo

***

Stella's POV

Tanaw ko ang naguguluhang mukha ni Telesforo habang nakatingin kay Vicente na busy ngayong mag salita. Pinaandar naman ng Heneral 'yung bike palapit sa tatlo at nang makarating nga roon ay agad binaba ng Heneral ang stand nito at tumayo.

"Si Vicente... Koronel Vicente Enriquez... hindi mo ba ako naaalala?" Rinig naming paliwanag si Vicente kay Telesforo.

"Kanina ko pa sinasabing hindi ko kayo kilala. Pwede bang lubayan niyo 'ko? Marami pa akong gagawin." Sabi ni Telesforo kala Vicente at akmang aalis na pero hinatak ng Heneral ang braso niya.

"Pakinggan mo muna kami... pakiusap..." Sabi ng Heneral.

Pagod na bumaling si Telesforo sa Heneral. "Sino ka naman?" Naiiritang niyang sabi.

"Gregorio... ang Heneral..." sabi ng Heneral kay Telesforo but the guy just chuckled.

"Seryoso ba kayo?" Natatawa nitong tanong sa amin. Nagkatinginan naman ang Heneral, Angel at si Vicente bago tumango sa isa't isa.

"Hindi ka rin ba makapaniwala? Na kami na nang galing sa nakaraan ay naririto ngayon? Gano'n din ako nung una ngun—"

Napatigil ang Heneral sa pag papaliwanag nang humalakhak ng malakas si Telesforo sa sinasabi nito. "Koronel... Heneral... 'yung totoo? Naka shabu ba kayo?"

Tumahimik naman sila Heneral at pinanood lang si Telesforo na tawang tawa ngayon. Pinupunasan pa nito ang gilid ng mga mata niya dahil may luha na siya kakatawa. Hinintay lang namin siyang matapos sa kanyang ginagawa, at nang matapos nga ay binato niya kami ng isang napaka dilim na tingin.

"Mabuti pa umuwi na lang kayo. Marami pa akong idedeliver kaya wala akong panahon makipag lokohan sainyo." Sabi niya sa amin tsaka nag datingan ang iilang mga lalaki na may bitbit na mga basket.

"Oh, TJ tara na—ay teka... sino sila?" Tanong ng isang lalaki na sa palagay ko ay ka-edad nila Vicente habang tinitignan kaming apat.

Telesforo just looked at us for one last time before shrugging his shoulders. "Ewan, hindi ko kilala."

"Mag usap muna tayo." Sabi ng Heneral sa kanya pero hindi na siya pinansin ni Telesforo at nag tuloy tuloy na sa pag sakay ng isang malaking truck.

Tinignan ko naman ang tatlo na nakatulala lang kay Telesforo at mukhang walang balak kumilos. Aish. Jusko naman 'tong mga 'to oh.

"Sandali lang!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya kami pinansin at sumampa na lang sa driver's seat ng truck nila.

"Teka lang naman!" Sigaw kong muli bago maisara ni Telesforo ang pintuan ng truck. "Mag papadeliver din kami ng isda!"

Dahil sa sinabi ko ay napahinto si Telesforo roon, maging ang mga kasamahan niyang aakyat na sana sa likod ng truck ay tumigil din upang tignan ako.

"Huh?" Sabay sabay namang sabi nila Heneral habang binabato ako ng naguguluhang tingin.

I twisted my lips. Ano bang sinasabi mo Stella?

"Ano?" Tanong sa akin ni Telesforo mula sa truck na kinaroroonan niya.

I sighed.

"M-mag... papadeliver ako ng isda..." Pahina nang pahina kong sabi sa kanya.

Sabay sabay naman napatingin ang mga kasamahan niya sa kanya bago tumingin muli sa amin nila Vicente. Pinanlalakihan ako ng mata nila Angel pero binalewala ko lang sila.

Úlitimas Órdenes del General (GLO)Where stories live. Discover now