Kabanata 24

358 4 0
                                    

Katapatan

***

Stella's POV

Dahan dahang hinatak ng Heneral ang kamay ko paalis sa kinatatayuan namin ngayon. Hinayaan naman siya ng mga body guards ko dahil kilala siya ng mga ito.

Habang naglalakad kami ay rinig ko ang napakaraming bulong bulungan at ang walang sawang pagkuha ng picture sa amin ng mga tao kaya napatingin ako sa Heneral.

Hindi siya sanay sa mga flash na ito kaya nag aalala ako at baka nat-trigger ang mata niya. Pero mukhang wala namang pakialam ang Heneral dahil tuloy tuloy lang siya sa paghatak nang marahan sa akin patungo sa kotse.

Napanganga ako nang makita nang malapitan ang kotse na ginamit niya. It's lamborghini, people! Hindi ito ang Aston Martin ni Vicente! Ibang iba! It's a black matte that shouts luxury!

Heneral opened up the door for me while his other hand is on my head to protect it from getting bump on the window frame.

Amaze na amaze ko namang pinanood ang pintuan ng kotse na pataas ang bukas. I've seen a lot of cars like this, but never pa akong nakasakay sa kotseng ganito. Ate Maggie and I have lots of cars, but we never bought a lambo!

Nang makaayos na ako ng upo ay isinara na ng Heneral ang pintuan ng passenger seat tsaka umikot para tumungo sa driver seat.

Muli kong binalingan ang main entrance ng building na pinanggalingan ko kanina at nakita roon ang mga reporters na gusto kaming sundan ng Heneral pero agad silang hinarang ng mga body guards ko.

Nakanganga sila Shawi at Avery habang si Cecilia ay nakangiti lang sa akin at kumaway pa. I looked at Nathalia who's beside Shawi, and she's now furious while staring at the car I am in.

"Seatbelt, binibini." Sabi sa akin ng Heneral na agad kong tinanguan.

Pinanood lang ako ng Heneral sa ginagawa hanggang sa tuluyan na akong makapag suot ng seatbelt. He twisted his lips and nodded slowly when he saw that I'm now done with my seatbelt.

He positioned his hand on my backrest while he's looking at the back of his car. Napalunok naman ako nang makita ang makakapal na kilay niyang mag kasalubong ngayon at seryosong seryoso sa ginagawa.

Dahan dahan niyang pinaatras ang kotse para makabwelo, at nang naging maayos na ay mabilis niya nang pinaandar ito palayo sa building na pinanggalingan ko.

Tahimik lang ang naging biyahe namin. Ni hindi ko rin alam kung paano ako magsisimula ng topic kaya binusy ko na lang ang sarili ko sa pag titig sa Heneral na ngayon ay seryosong nag d-drive.

Ang gwapo talaga nito. Nakangiti, seryoso, tumatawa, nalulungkot... ang gwapo gwapo talaga! Lalo na ngayon na nakaayos ang buhok niya at nakasuot siya ng formal na damit—teka. Bakit naman nakaformal 'to? Saan naman 'to pupunta?

Isasatinig ko na sana ang tanong sa isip ko nang mapansin na biglang niliko ng Heneral ang kotse sa ibang way imbes sa daan papuntang bahay.

"Saan tayo pupunta?" I asked Heneral.

Hindi naman sumagot ang Heneral at nanatiling seryoso lang. Akala ko ba uuwi na kami? Bakit hindi naman 'to ang daan pauwi?

Napanguso na lang ako doon at hinayaan na lang ang Heneral sa ginagawang pag ddrive. Binusy ko na lang ang sarili ko sa pag tingin sa bintana, kaya lang nabored na ako nang lumipas ang isang oras at hindi pa rin kami humihinto sa pag byahe.

I poked Heneral's hand on the gear stick so he gazed at me for a moment.

"Bakit binibini?" He asked softly.

Úlitimas Órdenes del General (GLO)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt