Kabanata 13

131 3 0
                                    

Walang Gregorio del Pilar na dumating, walang Gregorio del Pilar na bumalik

***

Stella's POV

Nag patuloy na ako sa paglalakad palayo nang biglang may lalaking humarang sa aking daan.

"Vedasto." I uttered.

"Saan ka pupunta?" Naguguluhang tanong niya.

Napayuko naman ako bigla bago sumagot sa kanya, "U-uwi.."

"Hintayin mo na kami, excited ka masyado." Nakakalokong sagot niya sa akin.

Tumingala ako sa kanya at tinignan siyang patawa tawa lang. "Nag momoment kami doon tapos nakita kitang magw-walkout na—huy bakit ka umiiyak?!"

Hindi ko na nakayanan at tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi mag produce nang kahit anong ingay dahil baka marinig ako ng Heneral.

"Aalis na ba kayo?" Pahikbi hikbi kong tanong. "Hindi na ba tayo ulit magkikita? Okay lang naman sa akin pero hindi ko mappromise na hindi ko kayo mamimiss..."

I cried harder.

Lumapit sa akin si Vedasto at tinap ang ulo ko, "Hindi pa kami aalis. Hindi ko mapapangako na magsstay kami sa tabi mo pero sinisigurado ko sa'yo na matagal pa bago kami umalis, hindi ngayon. Magkakasama pa rin tayong tatlo, ano ka ba."

Unti unti akong huminahon at tumigil sa pag iyak nang marinig iyon mula kay Angel.

"Huwag kang umiyak. Sa movie ka lang pala maganda umiyak, sa personal ang pangit mo." He uttered. "Saang lahi ka ba nag mula?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Nakakapasa ba bilang Angel ang ganyan kasamang bibig?"

He just laughed at me, "Bumalik na lang tayo roon, okay?"

I nodded while wiping my tears. Sumunod na ako sa pag lalakad pabalik sa kinaroroonan nila Heneral. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang usapan ng Heneral at nung Vicente.

"Ang hirap hirap sa panahong ito..." Saad ni Vicente habang pinipigilan ang sarili sa pag iyak.

The General chuckled a bit with his teary eyes, "Patawad."

"Ang tagal mo Goyong, ang lungkot lungkot sa panahong 'to." Hindi na napigilan ni Vicente Enriquez ang pag tulo ng kanyang mga luha.

Nilapitan siya ng Heneral tsaka hinawakaan sa ulo para makasandal sa kanya ito ay mayakap. "Masaya akong malamang hanggang sa panahong 'to ay maayos ka..."

Napalunok at pinipigilan ang mga nagbabadyang luha. Iyakin pa naman ako sa mga ganitong moment. Huhu.

"May misyon din ba 'yung Vicente na 'yan dito? Bakit kilala niya ang Heneral at alam niya yung nangyari dati?" Pag tatanong ko kay Vedasto para maiba ang focus ko.

"Reincarnated siya." He just answered.

Huminto ako at hinarap ang Angel na may nanlalaking mga mata, "Pwede 'yun?!" pabulong ngunit may diin kong tanong sa kanya.

He nodded and smiled.

"Pero sa mga napapanood ko sa movie hindi dapat naaalala ng mga reincarnated ang past nila ah?" Pagtataka ko.

Úlitimas Órdenes del General (GLO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon