Kabanata 17

252 4 0
                                    

Telesforo Carrasco

***

Stella's POV

"A-ako... si Remedios?" I asked Heneral.

Tinitigan niya lang ako nang walang ka emo-emosyon pero kabaligtaran no'n ang gusto ipahiwatig ng mga mata niyang may umaagos na luha. He clenched his jaw before slowly nodding at me.

"Oo... binibini...." He said.

Napapikit ako roon at doon ko lang napagtanto na naiiyak na rin pala ako. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam na ramdam ko ang sakit na parang tumatagos sa buto ko. Ang tagal na mula nung huli akong umiyak dahil sa hindi ko malaman na sakit na nararamdaman ko. Ngayong alam ko na kung bakit, parang trumiple ata ang sakit.

"Bakit?" I asked him. "Bakit ka nag sinungaling sa akin?"

"Binibini..."

"Tinanong kita diba..." I said.

He took a deep breath and close his eyes. "Patawad."

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang pag hikbi. Akmang lalapit naman ang Heneral sa akin, ngunit sa halip na hayaan ko siya, hinarap ko ang malaking pintuan at binuksan ito. Doon ko nakita ang nakasimangot na si Vedasto at Vicente, biglang ngumiti naman ng peke si Vedasto nang makita ako.

"Oh gising ka na pala!" Sabi ni Vedasto, "Teka may problema ba?"

Binalingan ko naman si Vicente na nakatitig lang sa akin at hindi alam kung anong tamang salitang ibibigay sa akin. Malamang ay kagaya ko, gulat din siya sa nalaman. Ni hindi niya maalala si Remedios kaya't wala siyang kaide-ideya kung sino 'yon at kung anong papel no'n sa buhay ng Heneral. Parang ako, wala akong kaide-ideya kung ako ba talaga 'yon o kung sino ba ako noong panahon na 'yon.

Unti unti kong itinakip ang mga kamay ko sa aking mukha at doon umiyak nang umiyak. Bakit ba ako nasasaktan nang ganito? Wala naman ako dapat maramdaman kasi unang una wala naman akong maalala.

"S-Stella... may... problema ba?" Tanong ni Angel nang dinaluhan ako.

Hindi ko siya sinagot hindi dahil sa ayaw ko, hindi ko siya sinagot dahil hindi ko kaya. Hindi ako makapagformulate ng tamang salita at puro pag hikbi na lang ang nagagawa ko.

"Heneral, may problema ba?" Tanong nito sa taong nasa likod ko.

"B-bakit..." Nanginginig na boses ng Heneral. "Bakit kailangan naming danasin ito?"

"H-huh?" Tanong ni Angel na parang naguguluhan.

I took a deep breath before removing my hands on my face and gazed at Angel.

"Ako..." I finally spoke. "...Si Remedios?"

Napaawang ang labi ni Vedasto sa naging tanong ko. Ibinalik niya ang tingin sa taong nasa likod ko tsaka ako tinignan muli. Paulit ulit siyang lumunok at mukhang hindi alam kung sana mag sisimula o paano sasagutin ang naging tanong ko.

I wipe my tears and stood up.

"Mag papahinga na lang muna ako." I uttered.

Wala nang pumigil pa sa akin kaya naman dire diretso ako sa kwarto ko. Pag pasok na pag pasok ko ay nilock ko agad ang pintuan at tumalon sa kama. Doon ako ngumawa nang ngumawa dahil sa sakit na nararamdaman.

"Ito na naman tayo sa iyak na hindi malaman kung anong pinagmulan Stella eh." Sabi ko sa sarili ko habang patuloy pinupunasan ang luhang ayaw tumigil sa pag bagsak.

Ang duga duga talaga. Hindi ba dapat natutuwa ako dahil ako pala ang last love ng Heneral? Teka ba't ba ako matutuwa? "Pero bakit din ba ako umiiyak nang ganito?"

Úlitimas Órdenes del General (GLO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon