Kabanata 9

113 5 0
                                    

Vicente Enriquez

***

Stella's POV

"Diablo halika na!"

"Anghel ako!"

"Tsk, baka magambala pa natin ang pagkahimbing niya..."

"Kailangan natin siyang gisingin, Heneral..."

"Subalit ngayon lamang siya nakatulog nang matagal..."

"Linggo ngayon Heneral, ano ka ba..."

Nagising ako mula sa mga boses na nag tatalo sa aking paligid. Nananaginip ba ako? Paanong magkakaroon ng ibang tao sa kwarto ko?

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ang dalawang mukha na nakatitig sa akin.

"Waaah!" Napasigaw ako sa gulat nang makita ang Heneral at Angel dito sa loob ng kwarto.

Biglang namula ang Heneral at nag iwas ng tingin habang ang Angel naman ay nakangiting kumaway sa akin. Napaupo naman ako at mabilis kinumutan ang mukha. Mata lamang ang iniwang nakalabas.

"Ang tagal mong gumising aalis pa tayo!" Sabi ni Vedasto.

"Aalis?"

"Oo, mag sisimba! Linggo kaya ngayon!" Energetic na sabi ni Vedasto.

Oo nga pala Linggo ngayon. Kaya nga pala wala akong trabaho ngayong araw.

"Ah, oo nga... P-pero anong ginagawa niyo rito?" Pag tataka ko.

Eh kasi diba nakakagulat bakit sila nandito sa kwarto ko eh may kwarto naman sila.

Napastraight ng tayo ang dalawa at nag katinginan. Biglang inangat ni Vedasto ang kamay niya at tinakpan ang bibig niya. Tsaka siya pumikit at itinuro ang Heneral.

"A-anong ako?!" Nanlalaki ang mga mata ng Heneral habang sinasabi 'yan.

Binaling niya ang tingin sa akin at paulit ulit umiling. Ibinalik niya naman ang tingin kay Vedasto tsaka ito hinampas sa braso.

"Ika'y Anghel ngunit nagagawa mong mag sinungaling?!" Di makapaniwalang sabi ng Heneral.

Ibinaba ni Vedasto ang mga kamay niya mula sa bibig at sunod sunod na umiling kahit nakapikit. "Wala naman akong sinasabi ah?! Bahala ka nga dyan!"

Tumakbo na lang palabas si Vedasto, ang Heneral naman ay tumingin sa akin na nanlalaki ang mga mata at paulit ulit umiling muli.

"Siya talaga iyon, binibini..." Sabi niya bago tumakbo rin palabas ng kwarto ko. "Paumanhin!" Pahabol pa niya.

I sighed. "Anong problema ng mga 'yun?"

**

"Stella, bilis na alas onse na." Pag mamadali ni Vedasto sa akin habang paulit ulit kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.

"Sandali naman!" Sigaw ko pabalik habang inaayos ang wig ko.

Minsan na nga lang magkaroon ng pahinga ganito pa! Ilang beses kong ipinaliwanag kay Vedasto na hindi ako pwedeng lumabas pero nag pumilit siya nang nag pumilit hanggang sa mapapayag ako. Ang sabi niya mag disguise na lang daw ako kagaya nung bumili kami ng mga damit nila, kaya 'yun ang ginawa ko ngayon.

Nag lakad na ako papunta sa pintuan at binuksan ito. Doon bumungad sa akin ang dalawang gwapong lalaki na bihis na bihis.

"Bagay pala sa'yo ang diretso at itim na buhok Stella. Kamukha mo si Poleng!" Bati sa akin ni Vedasto na agad siniko ng Heneral. "Bakit?"

Úlitimas Órdenes del General (GLO)Where stories live. Discover now