Kabanata 6

129 6 2
                                    

Bulakan

***

Stella's POV

Ilang beses na akong palakad lakad sa aking kwarto habang sapo sapo ang noo ko.

"Ano bang gagawin ko?"

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Patataguin ko ba sila? Kaso baka ma offend sila. Kinupkop ko para makipag hide and seek? Tsaka paano kung libutin ni ate ang bahay? Edi useless din ang pagtatago? Tsaka ano ba ang sadya niya dito? Bakit ba naman kasi kailangan pang pumunta!

Napakagat ako sa aking labi. Pinipigilan ang kaba ng aking puso. Mukhang hihimatayin ako pag nalaman ni ate na may lalaki akong inuuwi dito. O baka si ate ang himatayin?

Napa upo ako sa kama at napa facepalm sa mga pinag iisip ko.

"Walang hihimatayin okay? Wala!" Sabi ko sa aking sarili.

Bumangon na ako at desididong itago na ang dalawa. Lumabas ako ng kwarto at nag lakad nang mabilis patungo sa kwarto ng Heneral, hindi na ako kumatok pa at mabilis na pinihit ang door knob. Attitude ako, bakit ba?

Nakita ko siyang kasalukuyang nag lalagay ng mga damit sa kanyang cabinet. Na lagyan na niya ng mga hanger ito at pagtatabi na lang ang pinagkakaabalahan niya.

Gulat naman siyang bumaling sa gawi ko, nang makita ako ay ngumiti siya ng isang simple at kalmadong ngiti.

'Ang gwapo talaga.'

Ahh! Ano ba 'yang iniisip ko! Pinilig ko ang ulo ko at pinigilan ang sariling pokpokin ito. Baka sabihin pa ng Heneral ay nababaliw na ako dahil lagi ko nalang sinasaktan ang sarili ko.

"Binibini, ano ang iyong sadya?" Nakangiting tanong niya sa akin.

Ano nga ba ulit 'yung sadya ko?

"Kasalukuyan ko nga palang inaayos ang aking mga kasuotang iyong binili. Ginawan ko nang pangkat ito base sa kanilang mga kulay." Nakangiting sabi ulit nito.

Wow, organize naman po pala? Pang ideal guy ang Heneral!

Lumapit ako sa cabinet niya at napangiti nang makita na naka organize nga ito according to its color. Ang cute ng Heneral!

Teka! Ideal guy? Cute? Ano bang iniisip ko?

Hindi ko na napigilan na hampasin ang noo ko dahil sa mga weird na pinag iisip. Ano ka ba naman, Stella? Huwag mong pag pantasyahan ang Heneral!

"Hindi no!" Sigaw ko habang hawak ang mga pisngi ko.

"Anong hindi? Hindi ba ka-aya aya ang aking nagawa?" Pagtatakang tanong ng Heneral.

Binalingan ko siya ng tingin na ngayon ay nakakunot na ang noo. Unti unti kong tinanggal ang aking mga kamay sa mukha at ngumiti ng hilaw sa kanya.

"A-ah, he he. Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. He he. Tama lang, 'yan. Maganda." Nauutal kong sagot na may patango tango, sinusubukan siyang kumbinsihin.

Napaulunok at dahil sa kahihiyang nakita niya ang kawirduhan ko. So stupid of you, Stella!

"Ngunit sinaktan mo na naman ang iyong sarili. May masakit ba sa'yo? O may naisip ka bang hindi kaibig ibig at nais mo itong mawaglit?" Normal lang na tanong niya sa akin at ipinagpatuloy ang paglalagay ng mga damit sa kanyang cabinet.

"H-ha?! Wala ah! Kung makapanghusga ka ah! Judger ka ghorl?!" Sigaw ko sa kanya. Napaka defensive ko ata?

Eh paano ba naman kasi baka mabuking niya ako na iniisip kong cute siya. Hah! Asa pa! Mas marami pa akong kilalang gwapo sa kanya na nakasama ko sa modeling 'no!

Úlitimas Órdenes del General (GLO)Where stories live. Discover now