Kabanata 8

105 5 0
                                    

Binibini.... nag iisa ka.

***

Stella's POV

Tatlong araw na ang lumipas mula nang nakita ko yung lalaki sa convenience store. Tatlong araw na rin ang nakalipas mula nang masigawan ko ang Heneral, at hanggang ngayon ay hindi ko siya maharap dahil sa sobrang kahihiyan. Ang kapal ng mukha ko manigaw sa taong concern lang naman sakin, anong attitude ba 'yun? Hay.

Tuwing umaga, pagkatapos ko lagi mag ayos ay magmamadali na akong bumaba sa hagdan para dumiretso sa main door at lumabas. Ni lingon ay hindi ko ginagawa sa Heneral. Sa pag uwi naman, masyadong nakisama ang schedule ko, dahil sa pagiging hectic nito ay hindi na kami nagkakatagpo ng Heneral. Hindi ko alam kung tulog na ba siya no'n o hindi, basta hindi ko siya natatagpuan sa sala.

"Mabuti na nga rin siguro 'to, haay." Sabi ko sa sarili ko.

Ngayon ay kakauwi ko lang sa bahay. 2:30 AM na at ito na ang pangatlong gabi na hindi kami nagkakausap ng Heneral. Hindi ko siya natagpuan sa sala ulit.

"Mas okay pa atang nandito si Vedasto, para mabawasan ang pagkailang ko sa Heneral." I said again.

Ito na ang pang limang araw na hindi bumabalik si Vedasto sa bahay. I wonder where he goes. Malamang siguro ay ineenjoy niya ang super powers niya dito sa Earth. Who knows? Baka nandito lang 'yan sa bahay nagpapakainvisible habang nagmamasid masid.

Habang nag lalakad ako paakyat ng hagdan ay may narinig akong kalabog mula sa kitchen.

"Jusko, gising pa siya!"

Nag madali na akong tumakbo paakyat sa kwarto. Kulang na lang ay magkanda-dapa dapa ako kakamadali para lang hindi kami magkaabutan ng Heneral.

"Woooh!"

Napasandal kaagad ako sa pinto nang maisara ko ito. I placed my left hand on my chest while trying to catch my breath. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at ang hingal na natamo mula sa pagtakbo. Hindi pa ako tuluyang nakakakalma ay bigla namang nag vibrate ang phone ko.

From: Cecilia

Good day, Miss Stella. Sorry for the late notice but tomorrow morning lang po available ang designer na napili ni Miss Maggie for your gown. She has a flight to New York tomorrow night po kasi. Is it okay po if I'll fetch you by 7 am tomorrow?

"Wah! Ano ba 'yan!" Naiiyak na sabi ko.

I took a few steps and throw myself on my mushy bed. Ramdam na ramdam ko ang pagod dahil sa sunod sunod na work.

"Kailan ba 'ko makaka 8 hours of sleep ulit? Huh?" Tanong ko sa cellphone na hawak ko.

Magulat ka Stella pag sumagot 'yan.

"Aish!"

Binitawan ko ang cellphone na hawak ko tsaka sinimulang sabunutan ulit ang sarili dahil sa frustration na nararamdaman. Oh, gosh. I'm so tired. I pick up my phone again to set my alarm at 6 am.

"3 hours?" Tatlong oras lang na naman ang tulog ko!

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at inayos na ang higa ko sa kama. Ayaw ko na ring maligo pa dahil baka mas magising lalo ang diwa ko. I started to close my eyes and let the drowsiness embrace me.

"Binibini iniiwasan mo ba ako?"

Teka. Ang Heneral?

"A-Ano ba ang iyong tinuturan H-Heneral? B-Bakit ko naman gagawin iyon?"

Huminga nang malalim ang Heneral at ihinilamos ang kanyang palad sa mukha. Namuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya bumuntong hininga at tinignan ako mata sa mata.

Úlitimas Órdenes del General (GLO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon