Kabanata 2

117 8 0
                                    

Goyo

***

Stella's POV

"Tara na manong!" Mabilis na paanyaya ni ate Maggie nang makapasok sa kotse.

Binalingan niya naman ako ng tingin at kahit hindi ko siya tignan, alam kong gulat siya ngayon sa kalagayan ko.

"A-anong nangyari sa'yo?" Nag tatakang tanong niya. "Bakit ka umiiyak?"

Wala na akong oras mag paliwanag pa. Bumaba na agad ako sa kotse upang komprontahin ang lalaki. Gusto kong malaman kung nagkakilala na ba kami noon, o kung kilala niya ba ako.

"H-Hey! Stella! Where are you going?" Rinig kong sigaw ni Ate bago ko isara ang pinto.

Nag mamadali naman akong tumungo sa kotse ng lalaki, pero bago pa ako makalapit ay tumakbo na ito papaalis.

"Teka!" Sigaw ko ngunit hindi niya ako narining.

"Sandali lang!" Sigaw ko ulit at sinimulan nang habulin ang kotse kahit hirap na hirap sa suot na sapatos.

"Stella!" Rinig kong sigaw ni Ate Maggie bago ako hatakin sa braso.

"Ate, ate, kailangan kong habulin yung kotseng 'yun!" Paliwanag ko sa kanya nang wala sa sarili.

"Why?! What's the matter?! May ginawa ba siya sayo?! Anong problema?! Tell me what happened!" Pambobomba niya ng tanong sa akin.

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga katanungan niya kaya napaupo na lang ako sa sahig at itinabon ang aking mga palad sa mukhang umiiyak.

"Stella, we need to go. The people start noticing you. Baka mapa-trouble tayo..." She whisphered to me.

Pinunasan ko naman ang mga luha ko at inangat ang ulo upang makita ang paligid. Tama nga si Ate, nakukuha ko na ang atensyon ng mga tao, may ibang nag tataka, may ibang kumukuha ng picture, at may iba namang mukhang kilala na talaga ako at lalapit na sa akin.

Hindi na hinintay ni Ate Maggie ang pag agree ko at hinatak niya na agad ako papasok ng kotse.

"What were you thinking?!"

Isang sigaw agad ang narinig ko kay Ate nung umandar na papalayo ang kotse.

"You're being careless! Alam mo ba kung anong mangyayari sa'yo kung maraming tao doon ang nakilala ka? Pag pinagkaguluhan ka? We don't even have a bodyguard!" She shouted at the top of her lungs.

I just nod while crying. "I'm sorry..."

Nakita ko naman sa peripheral vision ko si Ate Maggie na nakatingin lang sa akin, hindi nag sasalita.

Maya-maya pa ay bumuga siya ng hangin bago umiwas ng tingin sa akin.

"If you're not okay, let's just go home..." She said.

Napa angat ang ulo ko sa sinabi niya.

"Paano ang party?" Tanong ko nang hinarap siya.

Hinarap niya rin naman ako at inirapan bago sumagot.

"Paano ka?" Tanong niya sa akin.

"I'm fine, ate." I said, trying to convince her.

"Stop fooling me, Stella Beatrix. That won't work." She said again so I pouted.

"I don't care about the party. You're my main and only concern. Ako na lang ang pupunta doon at mag papaliwanag sa network."

Tinignan ko siya at nginitian. She just 'tss-ed' at me, so I chuckled and hugged her tight.

Úlitimas Órdenes del General (GLO)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant