Kabanata 4

120 7 4
                                    

Makabagong Mundo

***

Stella's POV

Nagising ako sa isang panibagong araw. Kahit naka aircon sa kwarto ay ramdam na ramdam ko ang init dahil sa sinag ng araw tumatama sa aking mukha.

"Thank you Lord!" Sabi ko nang nakapikit pa.

Umupo ako sa kama at tinignan ang wall clock sa kwarto ko. 11 am na pala. Masyado na ata akong tinanghali nang gising. Sabagay, napakahaba rin ng panaginip ko kagabi.

Natawa ako ng maalala ang kakaibang panaginip kagabi. May isa raw na angel dito sa bahay, at ang isa ay gwapong sundalo. Kakaiba na talaga imagination ko.

Nag start na akong mag stretching nang mga sampung minuto bago nag desisyong maghilamos na. Dahil sa naramdaman kong gutom ay agad akong bumaba para makapagluto na.

Nasa hagdan pa lang ay naririnig ko na ang kakaibang tunog. I think... it's a snore?

May tao bang iba sa bahay? Kung ganoon, ibig bang sabihin hindi lang panaginip ang nangyari kagabi? Ibig bang sabihin... Nandito pa rin ang dalawa?

Oh, gosh. No way!

Mabilis kong tinahak ang daan pababa ng hagdan para masigurado kung nandito pa nga ba ang dalawa sa bahay.

Nang makita ang dalawang lalakinh mala-diyos sa kagwapuhan sa sala na tulog na tulog ay nasigurado kong hindi nga ako nagkakamali. Mukhang wala silang balak umalis dito kahit attitude-dan ko!

Hinampas ko ang noo ko at pisngi ko, nagbabakasakaling nananaginip pa rin ako, kaso hindi. Hindi talaga. Kahit i-untog ko pa ata ang ulo ko sa pader ay walang mangyayari.

Pinagmasdan ko na lang ang dalawa sa kanilang ayos. Ang angel ay nakahiga sa sofa habang naka unan ang ulo sa hita ng sundalo. Samatalang ang sundalo naman ay diretsong nakaupo habang natutulog. Medyo tagilid ng konti ang ulo dahil sa himbing nang pag tulog.

Lumapit ako sa kanila para mas mapagmasdan silang mabuti.

Ngayon lang talaga nag sink in sa akin ang nangyari kagabi. Ngayon ko lang napagtanto ang mga tinanggap ko sa aking bahay. Isang angel na may super powers, at sundalo mula sa mahigit isang daang taon na ang nakalipas.

Nag indian sit naman ako sa harap nila para mas lalong matitigan ang sundalo.

"Ano bang meron ka?" Sobrang hina kong tanong, nag iingat para hindi sila magising.

Napahawak na naman ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit ko ba nararamdaman sa'yo 'to, manong?" Wala sa sarili kong tanong.

"Hindi mo sabi ako manong, binibini..."

Halos mapatalon ako paatras nang nag salita ang sundalo kahit siya'y nakapikit.

Ilang sandali pa ay idinilat na niya ang kan'yang mga mapupungay na mata at binigyan ako ng ngising nakakaloko.

Bakit ba siya ngumingisi? Aish.

"Ano ang iyong nararamdaman sa akin, binibini?" Pagtatanong niyang muli nang may kakaibang ngisi.

"W-wala. H-hindi naman ikaw ang kausap ko!" Defensive kong sabi.

Ngumisi siya at tumango tango, para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Tunay nga ba?" Pang aasar pa nito.

"O-oo! Bakit naman kita kakausapin kung tulog ka? Ano ako, baliw?" Sabi kong muli.

"Sino ang kausap mo kung ganoon? Sino ang manong?" Pag tatanong niya pa.

Úlitimas Órdenes del General (GLO)Where stories live. Discover now