CHAPTER 3

8.4K 528 110
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 3

Strange Erden
---------------------------
--------------------------------------


ANIM na buwan na ang nakalipas nang makidnap muli si Eri. Sa loob na anim na buwan, maraming nagbago sa Mansiyon ng mga Castello. Ngunit nanatiling naroroon parin ang pang araw-araw na kinasanayan na ng mga bata. Ang maduguang pagsasanay.

"I..I'm tired." hingal na hingal na ani na walong taong gulang na si Eren. Nakahilata ito sa lupa habang habol-habol ang hiningang nakatitig sa kalangitan.

"Another hellish day, I'm so tired." pagod na pagod na usal naman na si Eros nang isinalampak ang sarili paupo sa lupa sa tabi ni Eren. Marahas niyang ibinato sa kung saan ang hawak nitong baril saka tumingala sa kalangitan saka nito pinagmasdan ang unti-unting paggalaw ng mga ulap.

Walang kinang ang mga matang nakatitig din si Eleazar sa maaliwalas na kalangitan. Itinaas nito ang kaniyang kamay saka pinunasan ang kaniyang pisngi na may bahid ng dugo. "This is so freaking annoying." walang ekspresyon na usal ni Eleazar saka naglakad paalis palapit kay Nyx na pinanonood lamang nito ang mga bata. Sinundan lamang siya ng tingin ni Emir na pinupunasan ang baril gamit ang panyo nito.

Sakabilang banda, walang tigil ang pag agos ng mga luha ang dalawang kambal. Patuloy sila sa paghikbi habang pinatatahan sila ng kanilang nakatatandang kapatid na si Estevan.

"It's okay now, Efraim, Efrain. Don't be afraid, at first it's just like this. But in the next few days, you will get used to this situation." ika ni Estevan. Wala na siyang ibang masabi upang patahanin ang bunsong kapatid. Hindi niya alam kung sa paanong paraan niya ang mga ito patatahanin.

Unang araw ngayon ng magkambal sa pagsasanay ng mga iba't ibang armas. Sanay na ang mga ito sa pakikitungo ng ama nila sakanila. Ngunit hindi alam ng mag kambal na may ganitong sitwasyon silang mararanasan. Alam naman nilang ang paggamit ng mga iligal na armas ang kanilang sinasanay na gamitin, ngunit ang sanayin ang kanilang sarili sa pagpatay ng tao ang hindi nila alam.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng magkambal lalo na si Efraim. Ang kalaban ng mga ito ay ang mga nagtraydor at nag eespiya kay Erden. Ang kinukuha nilang tauhan upang gamitin sa pagsasanay ng mga bata ay ang mga tauhan na nagtaksil at malaki ang galit sa ama nila na si Erden.

Muntik nang mapaslang si Efraim dahil sa takot na nararamdaman nito. Hindi niya magalaw ang kaniyang katawan yaong mga oras na iyon. Hindi niya inaasahan sa unang pagsasanay nito ay kailangan niyang pumatay.

"Please, don't cry. I know it's scary but you can handle it." ani Estevan. Patuloy parin sa paghikbi ang dalawang kambal na nakayakap sa tiyan ng nakakatandang kapatid.

"What should i do? They don’t stop crying." nag-aalalang ani Estevan.

"Let them be."

Napalingon si Estevan sa kaniyang ama na palapit sakanilang direksiyon. Kasama nito ang dalawang matandang magkambal na nasa likura n nito. Tumayo na si Eren sa pagkakahiga nito sa sahig, gayon din si Eros sa pagkakaupo nito sa lupa.

"Father." sambit ni Estevan sa amang palapit sakanila.

Mahina na ang paghikbi ng dalawang kambal nang tingalain nila ang kanilang ama na nakalapit at nakatayo sakanilang harapan. Madilim ang awra at blangko ang ekspresyon ni Erden na nakatingin sa mga anak.

Na sa likuran ng kambal si Estevan na nakahawak sa mga balikat ng mga ito,habang sila naman ay nakayuko at pilit na pinipigil ang pag-iyak at paghikbi nila. Natatakot silang baka pagalitan na naman sila ng kanilang ama.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon