CHAPTER 13

3.7K 176 98
                                    

---------------------------------
-------------------------
Chapter 12

Returns
-------------------------
---------------------------------

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at kinusut-kusot ito. Umaga na, anong oras na kaya?

Humikab ako saka pinagmasdan ang buong kwarto. Naririto pa rin ako sa bahay ng babaeng maangas. Kagabi ay bumalik na kaagad ako sa kwarto nang makarinig akong may magbubukas ng pinto sa kabilang kwarto sa hallway na dinaanan ko. Buti na lang ay nakarating kaagad ako sa kwarto, kapag nakita ako ng kung sinomang nilalang na naroroon sa kabilang kwarto ay baka bigla akong makita ng mga babae sa ibabang palapag.

Hays, bigla tuloy kumulo ang sikmura ko. Nagugutom na ko.

"Good morning baby!" biglang sulpot ng babaeng maikli ang buhok na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Pumasok siya ng kwarto na walang katok-katok dahilan upang magitla ako.

Tiningnan ko siya na lumapit sa'kin at sumunod naman na pumasok ang katulong na may dala-dalang tray.

Naamoy ko kaagad ang amoy ng pagkain na mas lalong nagpakalam sa sikmura ko.

"Have breakfast first, I don't know what to feed you so I made soup to warm you up." aniya saka kinuha sa katulong ang hawak nitong tray at inilapag sa mini table sa tabi ng kama. "Come here baby, I'll feed you." binuhat niya ko saka lumapit sa upuan na sapin ng sahig at ikinandong niya ako sa kaniyang mga hita.

Nagsimula na siyang pakainin ako at di naman napaso ang dila ko dahil hinihipan niya ito bago ako pahigupin ng sabaw. May sandwich din siya na maingat niyang pinakain sa'kin, at masasabi kong magaling at maingat siya sa pagpapakain sa'kin lalo na't bata pa lamang ako. Infairness 'di na gatas almusal ko, may pa-soup na bongga!

"After this I'll take you home, I'm sure your parents are worried about you." anito saka pinunasan ang gilid ng labi ko.

Tumango lang ako bilang tugon dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Nginitian niya ako saka pinagpatuloy ang pagpapakain sa'kin. Okay lang ba na kumain ako nito? Naninibago pa rin ako dahil walang bote ng gatas na nakasalpak sa bunganga ko.

Matapos akong makapag-almusal ay inasikaso na nila ako para maligo, at binihisan at ayusan. Nang matapos na ang lahat sa pag-aayos sa'kin ay handa na ang babaeng kumuha sa'kin na ibalik na ako sa pinanggalingan ko.

"You look cute in that dress, baby." matamis na ngiti ang ginawaran ng babaeng maangas na kinurot pa ang pisngi ko. Buhat-buhat ako nito habang hawak niya sa kabilang kamay ang kaniyang helmet. Narinig namin ang pagbaba sa hagdan ang masungit niyang kapatid na babae na nakatingin sa amin. Ang ganda niya talaga, kaso nakakatakot yung expression niya. Parating nakataray yung look niya.

"Are you leaving?" dinig namin sa boses ng babaeng suplada na kapatid nito. Kabababa lang nito sa hagdan at papalapit ito sa amin. "Make sure the child is safe when you drive the motorcycle, I told you last night that you should use my car and bring someone to carry the child." umarko na naman ang kilay nito at pinagsasabihan pa ang kapatid na buhat-buhat sa'kin.

"Alright, alright. Please stop nagging at me." naiiritang ika ni short-haired. "I'm going to use your car, so please shut up." anito sa kapatid niya saka nag walkout. Ay wow!

"What the...Hey, go home immediately after you take the child home to her parents because our cousin is coming tonight." ani Ateng Maldita.

Tiningnan ko ang mukha ng babaeng buhat-buhat ako at nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng kaniyang mukha.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon