CHAPTER 10.5

4.4K 223 44
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 10.5

Traitor II
---------------------------
-------------------------------------

BAGOT ang mga matang pinagmamasdan ng batang lalaki ang labas ng bintana ng kanilang sasakyan. Sinulyapan ng lalaki na nagmamaneho sa unahan ang mga kasama nito sa passenger seat gamit ang rear-mirror. Tumikhim muna ito bago binasag ang katahimikang namumutawi sa buong sasakyan.

"Milord, pinapasabi ni Milady Soleil na hindi muna siya makakauwi mamayang gabi, dahil may aasikasuhin pa raw ito."

"Hmmm." walang ganang tugon ni Sirius na nanatiling nakatitig sa kaniyang cellphone.

Hindi na muling umimik pa ang lalaki na nasa unahan kaya't tinuon na lamang nito ang kaniyang atensiyon sa daan hanggang sa makarating sila sa lugar ng mga De La Rue.

"THANK YOU for coming, Lord Scorpious Zillah Crescente and Young Lord..." bungad na bati ng matandang mayordoma ng nangangalaga sa De La Rue Palace at napatingin sa batang lalaki na kasama nito.

"Just call me, Sirius. And this is my son, Gemini Nemesis Sisaiah, for shorter just call him Genesis. This is his first attending a tea party." walang anumang ekspresyong wika ni Sirius.

'I didn't know that Lord Sirius Crescente has a son.'

"Thank your for attending, Young Lord Genesis. Hope you enjoy your stay here." magalang na ani butler.

Tumango lamang ang bata bilang tugon saka binaba ang tingin.

Muling binaling ng tingin ng matanda si Sirius at sinabihan na sumunod sakaniya upang igiya sila sa hardin.

Nang makapasok sila sa loob ng De La Rue Palace ay deretso lamang nakatingin ang mga mata ng dalawa sa kanilang nilalakaran.

"Don't try to make any trouble. Don't tarnish the honor of the Crescentes. Do you understand, Genesis?" deretso lamang ang mga mata ni Sirius sa nilalakaran habang kausap nito ang bata.

"I understood, Milord." mahinahong tugon ng bata na deretso lamang din ito nakatingin.

Hindi na muling umimik pa ang dalawa hanggang sa mararating na sana nila ang dalawang pintuan na papuntang hardin nang makita nila sakabilang direksiyon ng hallway si Twilight na abala sa hawak nitong cellphone.

"Is that Sir Nightfall?" ani Genesis na walang kurap na nakatingin sa direksiyon ni Twilight na walang kamalay-malay sa paligid. "This is the first time seeing Sir Nightfall wearing a white clothes, and his aura is different too than usual."

"Hmmm." -Sirius. "That idiot has the nerve to show up in front of me after leaving his job." dumilim ang mukha ni Sirius na nakatitig kay Twilight na ngumunguso pa itong nagtitipa ng kaniyang cellphone.

"Why does he look stupid? He looks different than his usual. He looks weird." untag ni Genesis na napakunot-noo pa ito.

Napatingin ang mayordoma sa dalawang mag-ama at tumingin din ito sa direksiyon ni Twilight na papalapit sa direksiyon nila.

"Lord Akiyama." tawag-pansin ng matanda kay Twilight na nakapagpatigil sa paglalakad nito. Agad na umangat ang tingin ni Twilight na kaagad din nagulat sa nakita.

'Shit!'

"Uh--Oh." napatitig si Twilight sa tatlong kaharap nito, binasa muna nito ang kaniyang labi saka mahinang tumikhim. Umayos ito ng tindig saka dahan-dahang lumakad papalapit sakanila. Huminga ng malalim si Twilight at inihanda ang kaniyang sarili.

'Can't let them suspect me that I'm not Nightfall.'

Babatiin sana ni Twilight si Sirius nang maunahan na siya nito ng bata.

"Who are you?" biglang tanong ni Genesis kay Twilight na may matalim ang mga matang nakatitig sakaniya.

Napaarko ang kilay ni Twilight at tiningnan ang bata na may pagtatakha.

'Who's this kid? I never seen him before. Is this Sirius' nephew?'

Umangat ang tingin ni Twilight kay Sirius na seryosong nakatingin din sakaniya. Hindi malaman kung ano ang nasa isip ng lalaki at bakit nananatiling tahimik. Bumaba muli ang tingin nito sa bata at tipid na nginitian, mas minabuti niyang huwag na lamang mag tagpo ang kanilang mga mata at baka may magawa pa siyang ikatakha ng amo ni Nightfall.

"I..I'm sorry young master..." hindi pa natatapos ni Twilight ang kaniyang sasabihin nang biglang ngumisi ng matunog ang bata.

"I see, you're not really Sir Nightfall." anito saka sinamaan siya ng tingin.

Hindi malaman ang dahilan ngunit nakaramdam ng kakaibang tensiyon si Twilight sa batang kaharap. May kung anong kakaibang awra ang batang ito kumpara kay Sirius. Ngayon lamang niya ito nakita at wala rin nababanggit si Nightfall tungkol sa iba pang kamag-anak ni Sirius Crescente.

Sino ba itong bata na ito?

Kaunting galaw o salita lamang ay mukhang kaya niyang sabihin na hindi siya si Nightfall. Dahil ba sakaniyang suot? O sa ayos ng kaniyang buhok?

Gayunpaman ay naguguluhan parin si Twilight.

"Uhmm---"

"Just kidding." ani bata saka mahinang bumungisngis. "By the way, how have you been, Sir Nightfall? Why did you leave? You won't believe what happened in the mansion after you left." pag-iiba ng usapan ng bata na nakapagpabawas ng kaunting kaba kay Twilight.

'How should i respond? Nightfall just quit his job because what happened in the Castello's Mansion. I don't even know what should i answer.'

"I'm doing...good. There's an emergency in my hometown that time that i forgot to excuse myself to leave." ani Twilight na binalingan pa si Sirius na seryosong nakatitig parin sakaniya. Ni hindi mabasa nito kung ano ang nasa mga mata ng lalaki, hindi malaman kung galit ba ito dahil sa ginawang pag-alis nang biglaan ni Nightfall o ano.

"How about you, young master? Milord..." tiningnan muli ni Twilight si Sirius na hindi parin gumagalaw sa kinatatayuan at ang matanda ay pinapanood lamang sila. "How have you been? I'm really sorry what happened in the passed months that i haven't even email you about what happened to me..."

"Prepare yourself, Nightfall." putol ni Sirius kay Twilight na may matalim ang mga matang deretsong nakatingin sakaniya. Lihim na napalunok si Twilight at para bang may kung anong nakaharang sakaniyang lalamunan na hindi kaagad siya nakaimik. " I was wondering where have you been in the passed few months, You suddenly disappear whenever you want, and you also suddenly appear whenever you want too. I haven't given you permission to leave your job, Kuro." pinanlalakihan nito ng mga mata si Twilight. Para bang tinakasan ng kaluluwa si Twilight nang banggitin ni Sirius ang mismong pangalan ni Nightfall.

Isa sa mga paalala ni Nightfall sakanila ng kakambal, ay kapag binanggit ni Sirius Crescente ang mismong pangalan niya ay isang matinding parusa ang kahaharapin nito.

Biglang nagpakita sa alaala ni Twilight ang kuwento sakanila ng kakambal, noong unang beses na parusahan siya ni Sirius dahil sa kapabayaan nito sa pagbantay kay Eri. Noong nakaraang taon na kinuha ng taga Orcus si Eri sa poder ng mga Crescente.

Tumaas ang balahibo ni Twilight nang maalala niya ang sinapit ng kakambal sa kamay ni Sirius Crescente.

"I... I'll talk to you later, Milord. I have something important to do right now." natatarantang wika nito saka umalis sa harapan ng mga ito.

Dali-dali nitong kinuha ang cellphone at nagmensahe kay Nightfall.

Focc! We need to get out of here!



=================
Hindi pa ito masyado maayos, need lang na ma-update yung part ng chapter 10 kasi baka makalimutan ko na hahahaha. Pagpasensyahan niyo na po yung typos and grammars di ko na nire-read uli. Tinamad na naman ako eh hahaha, ayusin ko nalang po uli pagkumpleto na itong book. Minadali eh hahahaha, birthday kasi ng isang reader na nag LSM pa nakaraang araw. So yun nga....

Happy Birthday 🎉 @michellerojas186

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon