CHAPTER 11

4.1K 242 63
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 11

Tried To
Get Out

---------------------------
-------------------------------------


NARITO AKO sa aking kuwarto at nakatunganga lang sa kisame, habang ako ay nakahilata sa kama. Ang gugulo ng magkambal, bigla na lamang kami kaagad umalis sa party. Ni hindi ko man lang nabati yung mga bata, namiss ko tuloy sina Shen at Garnet. Hindi ko alam ang nangyayari kanina, pero mukhang tinataguan ng magkambal yung mga taong pinagtatrabahuhan nila.

Sa totoo lang ay may alam ako sa mga trabaho nila, dahil wala naman silang kamalay-malay sa pagkatao ko, lahat ng tungkol sa tatlong kambal ay alam ko. Gusto ko sana magreklamo ngayon dahil hindi ko man lang naenjoy yung tea party, biglaan na lamang nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.

Dahil ayoko naman maistress ay palalagpasin ko na muna, nakakatamad mag overthink ngayon kaya mamayang gabi ko na lamang gagawin. Kailangan ko ng peace of mind, at pawalain ang mga negative energy sa paligid ko. Ang ganda kong bata tapos mga matatanda lang magpapa-stress sa'kin? No way!

Kaya kailangan ko muna ng peace of mind.

Peace of mind.

Peace of mi---

"Fuyumi!"

Okay salamat sa pambubulabog.

Bagot akong lumingon sa pinanggalingan ng boses, kita ko ang sabik sa mukha ni Renji na nasa pintuan at patakbong papalapit sa kama ko saka ito lumundag, na pati ang katawan ko ay napalundag sa impact nang pagtalon nito.

"Baby, why are you alone here? Aren't you bored?" anito saka kinalikot ang kamay ko.

Bakit trip niyo paglaruan ang kamay ko?

Hindi ako nababagot dito, sadyang payapa na kanina pa ang pag-iisip ko kung hindi ka lamang umepal.

"Too bad, brother Ryuji can't play with us because he's studying to learn Judo." ani renji saka ang hibla naman ng aking buhok ang gusto namang paglaruan nito. "Let's play baby! I know something we can play! I'll take that for a moment! I'll be back okay!" ika nito saka nagmamadaling tumakbo paalis ng kuwarto.

Ilang segundo muling namutawi ang katahimikan sa kuwarto, nakatulala parin ako sa pintuan na nakabukas kung saan lumabas si Renji---nakabukas!

Bigla akong napabangon sa kinahihigaan ko. Pagkakataon ko na!

Sa katunayan hindi ko kayang abutin ang doorknob dahil napakaliit kong nilalang, at syempre hindi ko rin kayang pihitin! Napakahina ng mga braso't kamay ko kaya talagang wala akong magawa.

Parati na lamang akong kinukulong ng mga kambal na iyon! Naiinis ako sakanila, bukod sa parating nakabantay sa akin sa tuwing magkakasama kami ay kinukulong naman ako sa kuwarto ko pag busy naman sila.

Kailanman ay hindi ko naenjoy ang manirahan dito ng mag isa na nililibot ang buong bahay. Well naenjoy ko naman na kasama sila, pero iba parin yung ikaw parin ang mag isa. Wala akong kalayaan dito dahil bata pa ako, hindi ako makagala. Hindi ko magawang puntahan lahat ng gusto kong puntahan!

Dali dali akong bumaba ng kama kahit nanginginig ang buong katawan ko dahil may kataasan at malaki ang kama ko kaya nahihirapan akong bumaba. Nakakalula  ba naman, ang taas sa paningin ko dahil maliit ako.

Isa din ito sa pinoproblema ko, itong kama. Nakakatakot, ilang beses na rin ako nag overthink kung may multo ba sa ilalim nito tuwing gabi. Buti na lamang ay parati kong katabi matulog ang isa sa mga kambal.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon