CHAPTER 8

5.7K 299 32
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 8

Castellos
---------------------------
--------------------------------------

THIRD PERSON's POV

"ARE YOU sure you don't want to come along?" blangko ang ekspresyon at walang buhay ang mga matang deretsong nakatingin ang batang si Goshenite sa kaharap nito.

"Yeah, I don't care if my dad nags me if i didn't go there today." walang ganang wika ng batang si Hessonite na nakababa ang tingin sa kaharap nitong si Goshenite.

"How lucky. I don't want to go too, but my dad forced me to come to that tea party." sumingkit ang mga mata ni Goshen na ikinatawa nang mahina ni Hesson.

"Don't worry. Garnet, Azure and Ametrine are with you, so you won't get bored at the tea party." ani Hessonite.

"Whatever."

Napangisi na lamang si Hesson sa inasal ni Goshen saka nilingon ang papalabas ng bahay na sina Nephrite,Citrine at Beryl. Lumapit ang mga ito sakanila saka nginitian ang dalawang bata.

“Hesson, when your father sees you here that you didn’t go to the party, he’ll definitely scold you.” nakapamulsang wika ni Nephrite na nakababa ang tingin nito sa bata para magtapat ang kanilang mga tingin.

Lihim na ngumisi si Hesson saka iniharap ang katawan sakaniyang tiyuhin at pinagkrus ang mga braso.

"He won't." tipid na tugon ni Hesson na may makahulugang ngiti.

Napaarko ang mga kilay ng tatlong magkapatid sakanilang pamangkin at muling nagsalita si Hesson.

"Father will think I will come with you, because I will also leave when you leave first." ani Hesson na ipinagtaka naman ng tatlo. Balak sanang magsalita ni Beryl ngunit muling nagpatuloy sa pagsasalita ang bata. "I'm going to my friends' house." ika ni Hesson at naningkit ang mga mata niya nang matamis na ngumiti  sakaniyang mga tiya at tiyo.

"Eh?"

Napatitig ang tatlo kay Hesson na may hindi makapaniwalang tingin.

Si Hessonite? May kaibigan na?

Biglang pumasok sa isipan ng tatlo na kung gaano kagusto ang labing dalawang taong gulang na si Hesson na mapag-isa, at hindi mahilig makihalubilo sa kapwa nito bata.

Hindi sila makapaniwala na si Hessonite ang mismong bibisita sa bahay ng kaniyang mga kaibigan. Para bang may mga ibon na nagsisiliparan sa likod ng tatlong magkakapatid at nabigyan nang pag-asa. Sa wakas! Magiging masaya na si Hessonite at natuto rin makipagkaibigan.

"I.. I'm speechless." napahawak sa bibig si Beryl gamit ang parehong kamay nito at ang mga mata nitong may kinang sa sobrang kagalakan para sakaniyang pamangkin.

"Woah. I'm happy for you, my nephew. It's good that you're making friends with people your age. You will always remember to wear a beautiful smile, para hindi naman na isipin nila na snobber ka---Ouch! Hey!" wika ni Nephrite na napadaing dahil sa ginawang pagsiko ni Citrine sa tagiliran niya dahil sa ikinainis ng dalaga sa huling sinabi ng nakatatandang kapatid.

"Hesson is not a snobber! He's just not interested in someone who isn't at his level." wika ni Citrine na masamang tiningnan ang kapatid na lalaki.

"Okay, okay?" napailing na lamang si Nephrite saka hinimas ang tagiliran nitong siniko ng kaniyang bunsong kapatid.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Where stories live. Discover now