---------------------------------
-------------------------
Chapter 17l8Family
Reunion
-------------------------
---------------------------------NARIRITO NA AKO sa bago kong kuwarto, matapos kaming makapasok sa loob ng bahay ay ibinigay na ako ng tatay ko sa kakambal ni Forger at dinala ako rito sa kuwartong hindi pamilyar sa'kin dahil hindi naman dito sa 3rd floor ang dati kong kuwarto. Ang dati ko ba namang kuwarto noon ay nasa 2nd floor. Ngayon nasa 3rd floor na ako kung saang palapag na ito ay naririto ang mga kuwarto ng mga bata at ng ama namin. Angas talaga noon, ako yung sanggol pero sa 2nd floor kuwarto ko kung saan katabi lang ng mga guest room. Ngayong nakabalik na ako dito ay tinitreat na kong VIP. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako eh.
Bakit ba ako iniwan dito, akala ko ba namimiss na ko ng tatay ko. Akala ko pa naman isasama ako sa chismis nila dahil may bagong dating na kamag-anak nila. Kunsabagay, mabuti na yung iiwas ako roon baka bigla akong madispatsa ng matandang wirdo na yun. Kanina nga ayaw pa kong bitiwan ng matandang iyon, bondingan daw kami bilang mag-apo. Sarap din sungalngalin apakaplastik na nilalang.
Napa-crossed arm nalang ako sa sobrang kaboringan sa loob ng kuwarto, tapos muntanga lang ako dito sa kuna na nakaupo at nakasandal sa harang habang nakatingala sa kisame. Para naman akong nasa preso nito.
"Is she really here?"
Bigla akong napabaling sa pintuan na medyo bumukas ang pinto. May tao sa labas ng kuwarto ko? At pamilyar rin ang boses.
"Yes! I saw butler foros carrying a little girl, I think that's Eri."
"What? She's back?"
May iba pang mga boses akong naririnig at mukhang alam ko na kung sino ang mga ito. Hindi ko alam na naririto na pala sa bahay ang mga bata, akala ko pa naman na sa school sila sa ganitong oras.
"I heard a commotion outside the window of our room and we heard the name of our sister."
"Just open the door so we can see if she's really back."
Tuluyang bumukas ang pinto ng dahan-dahan at hindi ko inaasahan na ang laki ng ipinagbago ng mga bata! Watdapak!?
"ERII!!" sigaw nina Eren, Efrain at Ermin.
"You're baacckk!!"
"Eriii! Where have you been? We've missed you!"
Nagtakbuhan ang tatlo palapit sa kuna ko at dahan-dahan akong tumayo para magkalapit rin kami.
"Woah! Eri knows to stand up now!" -Ermin.
Nakakapit ako sa kuna at nakatingala ako sa kanila na pinagmasdan. Depusang gala iyan, hindi pa naman umaabot ng isang taon na pagkawala ko rito pero bakit ang bibilis nilang lumaki? Tumangkad sila!
"Oh! Mutt is back, woah! She turned big! I guess she eat like a pig." biglang nag twitch ang kilay ko nang marinig ko ang nakakairitang boses ng batang matagal tagal ko na rin hindi nakita. Sino pa ba? Edi itong bullsheet na si Efraim. Kapapasok lang nito at nakita ko rin na kasunod nito ang mga nakatatandang kapatid niya na sina Estevan, Eleazar, Emir at Eros.

YOU ARE READING
The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)
Adventure( O N - G O I N G ) Eri Leticia Callidora Yvaine the daughter of a mafia boss has a 22-year-old mentality. In her past self, she was Rei Claire Flaviano who was a college student but died later due to an accident.As the cliche scenario is it was i...