Chapter 12

9.2K 465 71
                                    

Come

"What happened?" Blaiz raised his brows at me, hindi niya na kasama si Rustom. Nakaupo pa rin ako sa sofa at tulala lang na nakatingin sa mahabang hagdanan kung saan umakyat si Selene papuntang second floor pagkatapos niya sabihin sa akin ang mga salitang 'yon.

I gulped and blinked for a few times before answering. "I don't know..."

Marahang kumunot naman ang noo ni Blaiz. "What do you mean? There's no way you didn't know what happened, you were literally talking to her, Blair."

I licked my lips and took in a sharp breath. Hindi ko makalimutan ang mukha ni Selene na umiiyak. It's so... painful to me.

"She cried..." I lowly muttered, na parang sa sarili ko sinasabi at hindi kay Blaiz dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

"What?! What did you do?" Medyo tumaas ang tono ng boses ni Blaiz at tila nasurpresa sa sinabi ko.

Umiling ako ng marahan bago malambot na tumingin sa kanya. "I don't know... I was just explaining my side and said sorry but then she suddenly cried..."

Nawala ang kunot ng noo ni Blaiz habang pinagmamasdan ako. His cold yet surprised eyes soften for a little bit.

"I made her cry, Blaiz..." Napalunok ako at napayuko. I frustratedly ran my fingers through my hair and cussed repeatedly.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Blaiz sa tabi ko. Ilang sandali siyang tahimik at nakaupo lang bago ko naramdaman ang kanyang palad sa balikat ko.

"Blair? Blaiz? There you are two!" Napakislot ako ng marinig ang boses ni Mommy.

Halos sabay pa kaming lumingon ni Blaiz sa kanya. We saw her with Tita Serena and Rustom who is now looking really happy again unlike earlier.

"Oh? Where's Selene? We thought she's with you two." Saad pa ni Mommy. I met Tita Serena's eyes na parang alam niyang nasa akin ang sagot kung nasaan si Selene.

"Uhm... umakyat po muna siya sa taas." Hilaw akong ngumiti bago sinulyapan ulit ang hagdan na ginamit ni Selene.

I wonder where she is now? She's probably in her room. I hope she already stopped crying. Please, I hope she already stopped crying.

"We need to go now, I have an urgent meeting in the office. If you want you two can go to her room to bid goodbye first, may oras pa naman." Ngiti ni Mommy sa amin na sinang-ayunan naman ni Tita Serena.

Napaawang naman ang labi ko dahil doon. Mabilis na nagtalo ang isip at puso ko. My mind tells me that I should not because Selene might doesn't want a visitor right now — especially me — but my heart is telling me to go because I want to see her again and want to check up on her.

Pero pakiramdam ko ay hindi niya magugustuhan na pumunta pa kami roon dahil baka hindi pa siya ayos — na sana ay mali ako 'cause I really hope that she is okay now.

I was about to open my mouth and say no but Blaiz has already spoken. "Yeah sure, we could do that."

Tiim bagang naman akong tumingin sa kanya pero seryoso lang ang naka-rehistrong ekspresyon sa kanyang mukha. Seriously? Alam niya na nga na naging hindi maganda ang pag-uusap namin ni Selene pagkatapos ay pumayag pa rin siya?!

I was about to complain and says no again but he already held my wrist and marched towards the staircase, dahilan para matangay ako at huli na para maka-back out dahil baka magtaka at magtanong pa sila Mommy at Tita Serena.

Fucking hell, damn him!

Pagkarating sa second floor ay pinagmasdan ko ito at nakita ko agad ang kwarto ni Selene kahit na ang daming kwarto dahil sa kanya lang naman ang nag-iisang kulay grey roon dahil ang lahat ay kulay puti na.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon