Chapter 40

9.5K 441 277
                                    

Good

I almost dropped my phone back on the couch but I held it tighter. My forehead automatically knit as my jaw clenched in a maddening way.

Why the hell is she texting me? Kakabalik niya lang ah?

Sa huli ay pabagsak ko na lang na binitiwan ang phone sa couch at marahas na umiling saka dumiretsyo sa aking kwarto.

Humiga ako sa kama at mariing tiningnan ang ceiling ng aking kwarto. I'm glaring at it so bad like I'm angry at the whole world.

I sighed harshly before closing my eyes. I'll just fucking sleep this off.

Pero ilang segundo pa lang ay agad kong dinilat ang aking mga mata dahil pumapasok lang sa isip ko ang kanyang imahe.

When will I stop getting affected?! Anim na taon na ang lumipas pero bakit parang walang nagbago? Damn it, I don't want to get affected!

I shouldn't be! Hindi na pwede. Ayoko na. Ayoko na talaga.

Huminga ulit ako ng malalim at saka tumayo para lumabas ng kwarto. Pumunta muli ako ng living room. Binuksan ko ang TV para may mapaglibangan at mapanood pero ang mga mata ko ay sadyang pumupunta roon sa aking couch.

I gritted my teeth as I hardly stared at my phone. Nakapatay pa rin ito katulad kung paano ko ito iniwan.

I focused my eyes on the flatscreen television of mine. Seryoso lang ang titig ko habang nanonood ng isang teleserye.

Kahit kilala ko ang mga aktor at ang iba pa nga ay mga kilala ko sa totoong buhay at mga kaibigan ko ay hindi ko pa rin sila mapagtuunan ng pansin.

The messages on my phone are still bugging me. Or probably... the person who sent those messages is the one who is bugging off my mind.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang umilaw muli ang aking phone. Natutop ako sa kinauupuan at gustong magmura nang malakas.

My hand lift up in the air like I want to reach it but I immediately closed it into a fist. Fuck.

Tinitigan ko ng mariin ang phone ko. Hindi ko makita kung sino ang nag-text pero isang tao lang ang pumapasok sa isip ko ngayon. At hindi ko nagugustuhan na sa lahat ng mga taong pwedeng mag-text sa akin ay siya ang tanging naiisip ko.

Shut it off, Blair! You can't go back to zero again!

Ilang minuto akong nakipaglaban sa aking sarili bago tuluyang tumayo at kuhain ang aking telepono. Nakapatay na ito kaya kailangan ko pang buksan.

I felt my mind stop when I saw the name of the person who just texted me. Umawang ang labi ko at napalunok ng marahan dahil hindi ito ang inaasahan ko nag-text.

It is Deion.

But my breath that is just starting to come back to normal became halted again when I read my cousin's text.

Deion:
Dude... you won't believe me. Ate Selene is here in Cell with my sisters.

Nagdikit ng matiim ang aking mga labi. Of course she would be with my older cousins. She's their friend.

Ang nakakapagpabigla lang sa akin ngayon ay ang kaisipang kung pumayag pala ako kanina na sumama sa balak nilang pagba-bar ay baka nakita ko rin siya ngayon. I knew there was something not good with the way Ate Dashiell immediately agree to Deion's offer to go to bar, mabuti na lang talaga at hindi ako pumayag.

What a great decision of yours, Blair Averin.

But... is she drunk? Wait... no, I shouldn't care. I shouldn't. God, Blair, ilang beses mo pa bang kailangang sabihin 'yan sa sarili mo at bakit parang hindi tumatatak?

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon