Chapter 26

10.7K 465 148
                                    

Wait

"Two weeks? Tagal naman nun!" Reklamo ni Ersa habang dini-dribble ang hawak na bola.

"Winasak mo naman kasi masyado yung mukha. Balita ko nawalan daw ng isang ngipin ah!" Vail laughed while glancing at me as she dropped her cards on the table. Agad namang napaamang si Deion at sumimangot.

"Oh shit, I won again!" Halakhak pa ni Vail at kinuha ang isang libo ni Deion na nakalagay sa lamesa. Inis na binagsak na lang din ni Deion ang mga baraha niya sa lamesa.

"Tangina, akala ko panalo na!" Anas ni Deion at marahang ginulo ang buhok niya.

Ngumiwi ako at binatukan si Deion. Sa kanya pa naman ako nakapusta. Fourth round na nila at isang beses pa lang siya nanalo. Ang hina niya naman masyado ngayon!

Tiningnan ko ang mga baraha nila. Vail has a Straight Flush while Deion's cards are only Full House. Sayang, bwisit!

"Aish, suntukin din kita dyan, e. One out of four, really?" Iritado kong saad at tinuon na lang ang mga mata sa binabasang libro.

Nagkunwaring natakot naman si Deion at madrama pang nilagay ang palad sa kanyang bibig. "Wag po, 'wag po, ayokong matulog sa hospital nila Vail ngayon!"

Humagalpak ng tawa sila Ersa at Vail. Terzo isn't around because she has something to do. Nandito kami sa half-court ng bahay ngayon at nakatambay.

Mahigit isang linggo na akong suspended ngayon. Pagtambay sa bahay at si Selene lang ang inaatupag ko. No parties and booze, just like what I promised. Sa hindi malamang dahilan ay hindi rin nagrereklamo ang mga 'to at hindi nagyayaya na gumimik kami.

Hatid sundo ko pa rin si Selene. Wala siyang pasok ngayong Thursday kaya hindi pa kami nagkikita ngayong araw. I'm thinking of coming to their house later, actually.

Kaso ay araw-araw na kaming magkasama. Normal ba 'yon? Baka kasi magsawa siya sa akin agad. Tss.

I flipped the page of the educational book that I am currently reading. Binigay sa akin ng mga mokong na 'to noong nakaraan dahil exams na pala next week. I need to pass the shit or else I may fail this year.

Tumawag na noong nakaraang araw kay Mommy ang staff ng school at sinabing hindi daw magfi-file ng case ang pamilya noong lalaking binugbog ko kaya hindi ako tuluyang mapapatawan ng expulsion.

Pero itong exams naman ang problema ngayon. Two weeks akong mawawalan ng attendance at two weeks din akong walang maiintindihan kahit isa man lang sa mga naturong lessons sa amin. Anong isasagot ko sa exams?!

Malapit nang matapos ang third quarter namin, hindi nga ako mae-expell, baka umulit naman ako ng grade 11! I won't let that happen!

I've been reviewing this book for the past few days. Minsan ay tinutulungan ako ni Selene kahit nagre-review din siya para sa exams nila.

"Masyado ka namang seryoso, baka maging valedictorian ka na niyan ah! Ano ba yan, tulungan kita!" Ersa teased me at inakbayan ako saka nakangusong tiningnan ang libro at ni-examine ang binabasa ko.

Pagkatapos ay ngumiwi siya at lumayo. "Ay Gen. Math, pass na lang pala, olats ako diyan e."

Binato siya nila Vail at Deion ng mga baraha. The two jerks burst out laughing at agad nilang tinukso si Ersa.

"Kay Miss Angel ka na lang magpaturo, magaling sa math 'yon!" Saad ni Ersa habang sinasakal siya ni Deion.

"Tinuturuan niya naman talaga ako minsan. I don't know why you even tried to help, hindi ko naman hiningi." Inasar ko rin siya, agad naman siyang sumimangot at inabot ang ilang baraha pang natira sa lamesa at binato sa akin.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon