Chapter 36

8.5K 383 192
                                    

Change

I immediately send a text to Blaiz. Gusto kong mapaupo dahil mukhang important talaga ito. Imagine, he wants me to go home now! Ang flight namin ay sa susunod na araw pa at hindi bukas dahil mamamasyal pa kami.

Ako:
What? Why?

Habang wala siyang reply ay chineck ko na ang ibang mga texts. I opened Vail's.

Vail:
Blair, tangina, umuwi ka na ngayon din! The university is accusing us of cheating on the exam!

My eyes widened in that. What the? Is this a prank?! Anong cheating?!

Ako:
What? Bakit daw?!

Nag-igting ang panga ko at halos gusto nang tumayo pero nakayakap pa rin sa akin si Selene. I looked at Selene and see that she is sleeping peacefully.

And then it strucked me. I'm in trouble again. Palagi na lang. Ginagawa ko naman ang lahat para iwasan para sa aming dalawa ni Selene pero bakit parang kusa akong dinadagok?

I sighed before slowly taking off Selene's arm that is wrapped on my waist. Napaawang ang labi ko nang gumalaw siya at bahagyang kumunot ang noo pero agad ding nakahinga nang maluwag noong bumalik siya sa mahimbing na pagtulog.

Muli kong sinubukang alisin ang braso niya at laking pasasalamat ko na hindi na siya gumalaw pa. I carefully placed her arm on the sheets of the bed and slowly stood up.

Pagkatayo ko ng maayos ay yumuko ako para titigan siya ng mabuti at saka siya marahang hinalikan sa kanyang noo.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos siguraduhing hindi siya magigising agad-agad. Umupo ako sa sofa sa medyo malawak na living room nitong hotel room na tinutuluyan ko.

I bit my lip and open my phone again. Sandamakmak na rin ang calls mula sa mga kaibigan ko at kala Mommy at Daddy pero hindi ko pinapansin dahil hindi ko alam kung kaya ko silang sagutin ngayon dahil naguguluhan pa ako.

Why the hell would the school accuse us of cheating?! I didn't cheat! I worked hard to have that scores! How could they accuse us like that?

I clamped my jaw and finally decided to answer one of the calls. Hindi ko alam kung coincidence lang o sinasadya ba talaga ng tadhana na si Dad ang nasagot kong tawag.

I placed my phone close to my ear. "Dad." Mahinahon kong bati.

"Blair! What was that again?!" Bulyaw niya agad sa akin kaya halos mapapikit ako. My father is disappointed and mad again, that's for sure.

Narinig ko ang mga pagpapakalma sa kanya ng ilan. Narinig ko ang boses ni Mommy. I also heard some of my Uncles and Aunties voices. They were all there?

"Did you really do that?! The school administration are already planning to expell you once they knew that this is all true!" Galit na saad ni Daddy.

"I didn't." Marahan pero mariin kong saad.

Agad namang natahimik si Dad. Malalalim ang hininga niya na parang nagpipigil pero nakikiramdam din sa sitwasyon.

"I didn't cheat, Dad. We didn't cheat! I worked hard for that! We all worked hard for that!" Nagtagis ang bagang ko sa galit dahil hindi ko malaman kung bakit nila kami pagbibintangan nang ganoon.

Hindi pa rin siya sumasagot kaya muli akong nagsalita.

"You know me, Dad. I might not be the kindest and I may be even a bad person at some point but I'm not a liar. I'm not a liar, Dad." Saad ko.

I don't lie. Of course, I had those little white lies and petty lies, but when it comes to my sins, I never lie. Hindi ako nanininisi ng iba at hindi ako nagsisinungaling sa mga maling ginagawa ko. Bahala na kung mali at maparusahan pero hindi ako mandadamay ng ibang tao o maghu-hugas kamay. Alam ko ang totoo at hindi ako gagawa ng kasinungalingan para lang maligtas ako sa kapahamakan.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon