Chapter 28

9.4K 405 79
                                    

Take Care

Tumalikod na si Selene at pumunta na kala Ate Dashiell at Rione. The two immediately noticed her coming. Ilang segundo silang nagbatian pagkatapos ay sumulyap sa akin sila Ate Dashiell at Rione.

Tumingin din ulit si Selene at muli akong nginitian ng malawak. I smiled back at her. Napailing na lang si Ate Dashiell at maikling ngumisi habang si Rione ay nagtaas lang ng kilay.

Nang makaupo na si Selene sa tabi nila ay naglakad na rin ako paalis. I'm sure she'll do well. Palagi naman.

Nakapamulsa na lang ako habang naglalakad sa hallway nila. Medyo tulala at kabado pa rin. I'm thinking about the exams later again. Shit, will I pass those?

I should! I can't let Selene down! I can't disappoint her and let her efforts go to waste! And also Mom... hindi niya man sinabi kanina para hindi ako ma-pressure but I know... she's expecting and want me to do good.

I can't let them down. I can't let myself down too.

Napahinto ako sa pag-iisip nang may nakabangga ako. I look at the person that I got hit with. Hihingi sana ako ng pasensya dahil alam kong ako ang wala sa sarili pero napakunot na lang ang noo ko nang makilala ko kung sino ito.

It was the guy I punched two weeks ago. Armin Capistrano.

Wala nang benda ang mukha niya pero halata pa rin ang pamumula ng pumutok na labi at ang band aid sa kanyang kilay na tingin ko ay pumutok din dahil sa mga suntok ko.

"What the fuck are you doing here?!" Galit ang tono niya at nakakuyom na agad ang mga kamao. Kasama niya ang mga kaibigan niya na namukhaan ko rin. Mga taga-council, sila rin yung kumuha sa akin at nagdala sa detention room.

Kaya pala halos gusto na rin akong bugbugin sa galit, mga kaibigan pala sila ng gagong 'to.

Tinaas ko lang saglit ang dalawang kilay ko bago tinalikuran sila para umalis. Pinagtitinginan na naman kami lalo na't nasa gitna kami ng hallway, baka isipin na naman ng iba na gusto kong gumawa ng gulo o kaya ay baka umabot pa 'to kay Selene!

But a raging hand immediately held me on my shoulder and forcefully made me face them again. Nalaglag ang bag ko sa sahig. I heard multiple gasps and immediate whispers from the other students because of that.

Si Armin ang gumawa nun. He's gritting his teeth and I'm pretty sure he wants to punch me so badly right now. Ang mga kaibigan naman niya ay masama ang titig sa akin pero pinipigilan siya.

As if they could punch me, they have a good reputation to protect. They are part of the Student Council, matatanggal sila kapag ginawa nila 'yon.

Tinabig ko ang kamay ni Armin kaya naalis 'yon mula sa pagkakahawak ng mahigpit at marahas sa balikat ko.

"Don't lay a hand on me." I uttered coldly.

Nanlisik ang mga mata ni Armin at susuntukin na sana ako pero nahawakan na siya ng mga kaibigan niya.

Ngumisi ako ng mapanuya. "Oh? Ano na?"

Armin tried to get out of his friend's hold but he couldn't. "Bitawan niyo ako! I need to fucking get my revenge on that piece of shit of an Estrella!"

Halos matawa ako. Hindi ko alam kung sa kanya ba ako natatawa o sa sarili ko. Dahil alam kong kapag sinuntok niya nga ako ngayon ay imbis na gumanti ay hindi na ako lalaban.

I can't risk it. Siguradong kapag pumatol ako ay tuluyan na akong mapapatalsik sa unibersidad na ito kahit na gaano pa kayaman at maimpluwensya ang pamilya ko.

Siguradong lulunukin ko ang pride ko at mas pipiliin na ako naman ang maging kawawa kahit kaya ko namang lumaban.

But Armin didn't force his way out of his friends' grasp. His friends are whispering words to him dahilan para magpatahimik sa kanya.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon