Chapter 48

12.6K 443 216
                                    

Ready

Tiningnan ko ang mansyon nila Selene. Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito dahil wala na naman akong dahilan para pumunta dati since sa US na sila naka-based. Sila Kriza naman ay nakabukod na rin kasama ang asawa at anak na si Rustom.

I bit my lower lip as I stared at the huge gate. Naalala ko pa kung paano ako nagmamadaling lumabas diyan para makaalis, ilang minuto lang 'yon bago ang aksidente.

"Blair." Selene called my name to catch my attention.

I turned my head and quickly gave her a small smile. "Hmm?"

She touched my right cheek before tiptoeing to plant a kiss on it. "Pasok na tayo."

Nandito kami ngayon dahil nakauwi na kani-kanina lang ang mga magulang niya. Magga-gabi na, sabi ni Selene ay magpapalipas din kami ng gabi rito. Ayoko sana pero wala na akong nagawa dahil ayoko talagang tanggihan siya sa kahit anong bagay.

I want give her everything. Everything she wants and needs. I promised her yesterday that I'd give her all of me. So I will fulfill that promise.

Pumasok kami nang tuluyan sa mansyon. Agad kaming binati ng mga guards at mga kasambahay nila. I just gave them a small smile, hindi ako makangiti nang malawak dahil sa kaba.

Sabi ni Selene ay okay na sila sa akin. Sabi niya ay hindi na galit si Tita Serena. Pero kabado pa rin talaga ako sa lahat ng pwedeng mangyari kahit anim na taon na ang nakakalipas.

Kung ako nga na noong isang araw lang napatawad ang sarili ko. Paano pa kaya sila? Tita's madness came to the point that they would take Selene to the States, away from me. She came to the point that she would put men around the area just to make sure that I couldn't go to Selene while they were there.

Anim na taon na ang nakakalipas, nawala na ba ang galit niya? Ang pagkaayaw niya sa akin? Tanggap niya na ba talaga ako para kay Selene?

Two of the maids opened the huge double doors for us. Medyo nauuna si Selene dahil masyado akong kabado para ayusin ang bilis ng paglalakad. And of course, Selene knew that, pero hindi niya na lang ako pinansin pa dahil alam niyang mas lalo lang akong magiging kabado.

I felt her rub her thumb on my hand, though, maybe to give me comfort and ease my nervousness. I looked at her, but she was just keeping her eyes on the way.

Napanguso ako pero agad ding ngumiti nang maliit. Dahil sa ginawa niya ay parang medyo nawala ang kaba ko. Inayos ko na ang lakad at sumabay sa kanya.

I saw how her eyes lit up when she saw me beside her. She turned her head to me and smiled sweetly, but she didn't say anything anymore.

"My daughter!" Narinig ko ang boses ng taong nagpapakaba sa akin kahapon pa.

I slowly looked at the front. Tita Serena is looking elegant and sophisticated in her classy dress. While Tito Lester has a small smile on his lips while standing proudly beside her wife.

"Hi, Mom, Dad. Good evening!" Saad ni Selene at bahagyang kumaway pa at ngumiti.

Bibitawan ko sana siya para makalapit siya sa kanyang mga magulang pero parang alam niya na ang gagawin ko kaya lalo niyang hinigpitan ang pagkakasalikop ng mga daliri namin para hindi ako makawala.

She smiled cutely at me and slightly shook her head, signaling that she didn't want to let go.

I just gave her a simple and quick nod. Okay, Sel, affirmative. I don't wanna let go, either.

I licked my lips before facing her parents again. Pinilit kong maging seryoso at pormal.

I cleared my throat. "Good evening, Mr. and Mrs. Servilla."

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon