January 2022 (iv) News From Around Wattpad

116 10 2
                                    

Ngayong buwan ng Enero, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!

---

AmbassadorsPH

New year, new resolutions. 

Para sa taong ito, magsimula tayo sa pagbuo ng bagong goals sa ating buhay. 

Sa loob ng 500 hanggang 800 na salita, bumuo ng isang maikling kwento na nakasunod sa temang "Sino ako sa taong 2022?" 

Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain, at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!

---

WattpadFanFicPH

Happy New Year mga Ka-FanFics! 

Isa na namang bagong taon ang dumating sa atin at kasabay nito ang mga bagong aabangang prompts at initiatives mula sa FanFicPH.Hatid sa inyo ng FanFicPH ang isang prompt kung saan masusubok ang kakayahan sa pagsulat ng isang sa isang Drabble na may temang: New Year Scenario of Ricci and Sharlene. 

Kasabay nito halina't makisaya at sumali sa Fun Facts about Ricci and Sharlene at sabay-sabay nating alamin ang mga bagay sa ating dalawang idolo. 

Abangan din ang mga Reading List tampok ang ating dalawang idolo mula sa Happy Times.

---

WattpadRomancePH

Bagong taon, pangalawang pagkakataon. Para sa unang buwan ng 2022, hinahamon kayo ng WattpadRomancePH na sumulat ng isang akda tungkol sa pangalawang pagkakataon sa pag-ibig at sakit ng nakaraan. Hasain ang tibay at talento ngayong buwan ng enero. Kasabay nito, pakaabangan din ang paglunsad ng aming Hall of Famers na magtatampok ng mga maghuhusay na manunulat na ilang beses nang napatunayan ang kanilang talento sa pagpanalo sa ilang contests ng aming profile. Mas kilalanin pa sila at suriin ang kanilang mga naisulat na akda sa natatanging pagkakataon na ito.

---

At dito na nagtatapos ang January issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan! Maraming salamat sa inyong suporta at manigong bagong taon!

Happy Wattpadding!

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon