October 2022 (i) Meet the Community

100 6 0
                                    

Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!

Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:

Wattpad Stars: VimLights, guaninejwl

Undiscovered Writers: raiverie, gardenwalks

Wattpad Ambassadors: jemyshtri, Agassi-san

Halina't kilalanin natin sila!

---

Wattpad Stars

Si VimLights ay isang Wattpad Star at Wattys 2020 & 2021 Winner sa kategoryang Mystery/Thriller. Kasalukuyan siyang college student sa De La Salle University-Manila sa kursong BS/MS in Civil Engineering. Nagsimula siyang magsulat noong Mayo 2020. Nang taong ding iyon ay sumali siya sa Wattys at isinumite ang kanyang pinakaunang nobela. Siya ay naging Wattpad Star matapos niya manalo noong Wattys 2020 sa nobelang "I Can See The Future." Opisyal siyang naging star noong Enero taong 2021.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni VimLights.<<

Si guaninejwl (Jewel) ay isang 21-year old na manunulat na ang karaniwang paksa ng kaniyang mga nobela ay tungkol sa mga karaniwang isyu sa lipunan. Siya ay nagsimulang magsulat noong siya ay labindalawang taong gulang pa lamang at dito rin siya nagsimulang mapasama sa ilang mga antolohiya ng mga maiikling kuwento at tula. Sa kasalukuyan ay mayroon itong five self-published anthologies at isa ring maikling kuwento na naisalimbag sa REEDZ ng Psicom Publishing Inc. Siya rin ay nanalo sa Watty Awards 2019 at 2020 kung saan ay pinalad din itong makasama sa Wattpad Stars Program, na nagbukas din ng pinto para sa marami pang oportunidad bilang isang manunulat sa Wattpad at naging daan din ito upang maisalimbag bilang pisikal na libro ang By Chance.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni guaninejwl.<<

---

Undiscovered Writers

Si raiverie, o mas tinatawag sa pangalang rai, ay mahilig sa mga nakakakilig na istorya kahit gaano pa ito ka-cheesy o ka-cliché. Dahil dito, mahilig siyang mag-imagine ng mga nakakakilig na scene kaya't hindi niya masisisi ang mga kasama sa bahay kung bigla-bigla na lang siyang ngingiti mag-isa ng parang baliw. Nagsimula siyang magsulat noong enero nitong taon at may natapos nang apat na akda. Maliban sa pagsusulat, pagdo-drawing din ang kanyang pinakapaboritong libangan. Kung sa wattpad ay nakatapos siya ng apat na istorya, sa pagdododrawing, nakaubos na siya ng dalawang sketchbook at paubos na ang phone storage dahil sa digital arts.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni raiverie.<<

Si gardenwalks ay isang lesbiyanang manunulat na bahagi at masugid na tagasuporta ng komunidad ng LGBTQ+. Sa pamamagitan ng kaniyang mga likha, layunin niyang sabihin sa bawat istorya na ang kuwentong LGBTQ+ ay hindi lamang dapat nakukulong sa mga masasakit na kategorya, ngunit nararapat ding mapabilang sa mga akdang pinahahalagahan ang kapangyarihan ng happy endings. Kapag hindi nagsusulat, inilalaan niya ang oras sa pagbabasa sa Wattpad at pagkolekta ng stickers at postcards.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni gardenwalks.<<

---

Wattpad Ambassadors

Si jemyshtri o Ysh ay isang accountancy student, aspiring writer, at Wattpad Outreach Ambassador. Karamihan sa mga storyang isinusulat niya ay mga nobelang epistolary. Mahilig siyang mangolekta ng libro kahit na wala na siyang mapaglagyan, magbasa (lalo na ng angst romance stories), at higit sa lahat ay ang matulog. Mahiyain siyang tao ngunit kapag nakilala mo na nang lubusan ay maririndi ka na sa dami ng kaniyang kwento. Isa rin siyang KPop fan at halos lahat ng music sa playlist niya ay mula sa mga kpop girl groups. Bukod sa pagsusulat at pagbabasa, hilig din niyang gumawa ng book covers para sa kaniyang mga akda, at iba pa.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni jemyshtri.<<


Si Agassi-san sa Wattpad ang manunulat ng Chasing Chance and Etheria University: School of Mages. Siya rin ay isang Instagram blogger at nagsusulat ng inspirational at motivational blogs. Ang advocacy niya ay self-love and self-growth.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni Agassi-san.<<

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon