November 2022 (iii) News From Around Wattpad

75 5 9
                                    

Ngayong buwan ng Nobyembre, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!

---

AmbassadorsPH

Pangalawang buhay. Pangalawang pagkakataon upang magawa ang mga bagay na hindi mo nagawang tapusin o gawin noong nabubuhay ka pa. Pagkakataong maitama ang mga mali o matupad ang mga pangarap sa buhay. 

Ano ang gagawin mo kapag nabigyan ka ng pagkakataon katulad nito? Paano kung nabigyan ka ng pagkakataon upang sumailalim sa reincarnation? 

Ngayong buwan ng Nobyembre, ikuwento sa amin ang mga bagay na gusto mong gawin bago ka mawala sa mundo na iyong gagawin kapag na-reincarnate ka na.

Sa loob ng 800 hanggang 1000 salita, isulat ang entry na ito sa wikang Filipino, tiyaking wala itong halong kuwentong pag-ibig, at sumusunod ito sa temang "Life After Life".

---

WattpadFanFicPH

Isang mapagpalang buwan ng Nobyembre, mga Ka-FanFic!

Ngayong BERMonths...Kung kailan ilan tulog na lamang ay nalalapit na naman ang kapaskuhan. Halina't sumali sa aming patimpalak upang puso mo ay mapuno ng galak.

Sa loob ng 1500-3000 na mga salita, gumawa ng maikling kuwento batay sa tatlong prompt na aming inihanda na pinamagatang In the name of photobomBER, Your forever unsubscriBER, at Please don't rememBER.

Mayroon kayo hanggang ika-30 ng Disyembre, 2022 upang magpasa ng inyong mga entry.

Para sa buong mechanics ng patimpalak, bisitahin lamang ang WattpadFanFicPH!

---

WattpadRomancePH

Music brings you back places. Kung may katotohanan ito o wala, alamin 'yan sa pagbabalik ng writing contest ng WattpadRomancePH, ang Remembering November Love.Bumuo ng kuwento ng pag-ibig gamit ang inihain naming playlist at prompt! 

Subukin ang hangganan ng pagiging malikhain ngayong Nobyembre. I-follow lamang ang WattpadRomancePH para sa kumpletong detalye ng patimpalak na ito.

---

Wattys 2022

Excited ka na bang malaman kung sino ang mga nagwagi sa Wattys 2022? Kaunting hintay na lamang at ibabalita na ang mga nagwagi! 

Ang pagbabalita ay magaganap sa ika-19 ng Nobyembre, kasabay ng WattCon.

---

WattCon 2022

Ang WattCon ay isang event na inihanda ng Wattpad para sa mga manunulat. Dito, maaari mong makita at makilala ang ilan sa iyong mga paboritong manunulat at Creator! Mayroong mga panel discussion, workshop, at iba pang mga oportunidad upang matuto.

Ito ay gaganapin sa ika-19 ng Nobyembre 2022, 6-7 PM PST sa Loews Hollywood Hotel, Los Angeles, California pati na rin virtually.

Maaari kang makabili ng ticket sa pamamagitan ng pagpunta sa link na ito.

---

At dito na nagtatapos ang November issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan! Maraming salamat sa inyong suporta!

Happy Wattpadding!

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon