June 2022 (i) Panayam kay ma_maharlika

41 3 1
                                    

1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Mag-aapat na buwan pa lang po akong Ambassador at kabilang po ako ng Engagement Team. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Isa po ako sa Engagement Ambassadors na nagha-handle ng AMBASSADORSPH. Ang mga trabaho ko po ay magmonitor at magrespond sa mga messages under sa message board o inbox ng AMBASSADORSPH profile, gumawa at magpasimuno ng mga Wattpad-related campaigns o initiative, at magpaskil ng mga updates na mababasa ng ating Filipino community. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Naisipan ko pong maging Ambassador para makatulong sa community na nag-open sa akin ng maraming mga opportunity. Noon kasi palagi akong sumasali sa mga pakontes ng Wattpad, at napansin ko kung gaano karaming masasayang volunteers ang nagha-handle ng mga contest kahit walang payment. 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

Ang pinakamasaya ay iyong nakakausap ko iyong ibang Ambassadors tuwing may meeting kami. Sobrang nakakaaliw talaga silang kasama. Ang pinakamahirap naman ay iyong time management. Minsan kasi may behind sa posting or announcement kasi nakakalimutan kong i-post o kaya hindi ko na-check sa tracker namin. 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Tina-try ko pong every Saturday ay maglaan ng oras para sa mga gagawin ko o di kaya before or after ng work schedule ko. 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Ang pagboboluntaryo po ay hindi kailangang masuklian ng pera para maging masaya. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors? 

They value their Ambassadors po. If may mga task po akong 'di kayang gawin or nakaligtaan, they're very understanding at they make sure na okay lang ang mga Ambassadors in terms of our well-being. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

Bilang isa sa Engagement Team na nagdya-judge po ng mga contest entries, mas gumagaling po iyong skills ko in terms of analyzing story structures and other themes na dapat nasa story ng mga writers. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Iyong time po na may meeting kami kung saan namin pinag-usapan iyong mga bagong initiatives po namin for the coming months para sa AMBASSADORSPH. Sobrang saya po the whole time dahil grabe iyong mga pasahan ng nakakaaliw na chats. Kahit through Discord lang at wala pang voice call, abot-taenga ang ngiti ko the whole meeting. Para kaming malalapit na magkaibigan in real life talaga. 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

 I handle it with professionalism po. Hindi kasi pwedeng dire-diretso lang iyong pag-respond ng mga Ambassadors at through emotions lang dahil we're representing Wattpad. Kailangang pag-isipan muna nang mabuti ang mga gagawin before ibahagi sa Filipino community. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Volunteer with the goal of helping the Wattpad community. Mahirap kasi minsan ang pagiging Ambassador dahil kailangan mong pagbalansehin ang lahat ng responsibilities mo. Hindi pwedeng gusto mo lang tumulong, dapat willing ka ring magbigay ng oras para makatulong. 


1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1. E-book o physical book? 

E-book (Nag-iipon kasi.) 

2. Tea o coffee? 

Coffee 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Mahal ko 

4. Edward o Jacob? 

Jacob 

5. Jollibee o McDo? 

Jollibee 

6. Dine-in o delivery? 

Dine-in 

7. Forest o beach? 

Beach 

8. Tacos o wings? 

Tacos 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama? 

Tulog sa kanan 

10. Pusa o aso? 

Pusa 

11. Sitcom o drama? 

Drama

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon