October 2022 (iii) News From Around Wattpad

71 10 1
                                    

Ngayong buwan ng Oktubre, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!

---

AmbassadorsPH

Kinalakihan na natin ang mga kasabihan ng matatanda. Kay rami ng baon ng ating mga lolo at lola tungkol sa mga kuwentong magpahanggang ngayon ay buhay na buhay pa sa ating mga isipan at alaala. 

Sa Pilipinas, maraming mga kuwentong kathang-isip patungkol sa iba't ibang nilalang. Mga kuwentong bayan na hindi mo masagot kung totoo ba or gawa-gawa lamang. 

Ngayong buwan ng Oktubre, bilang isang Pilipino, ilabas mo ang iyong inner marites powers at ibahagi sa amin ang kuwentong bayan sa inyong lugar. 

Sa loob ng 800 hanggang 1000 salita, isulat ang entry na ito sa wikang Filipino, tiyaking wala itong halong kuwentong pag-ibig, at sumusunod sa temang "Kathang-Isip Nga Ba?"

---

WattpadFanFicPH

Isang mapagpalang buwan ng Oktubre, mga Ka-FanFic! 

Ngayong BERMonths...Kung kailan ilan tulog na lamang ay nalalapit na naman ang kapaskuhan. Halina't sumali sa aming patimpalak upang puso mo ay mapuno ng galak.

Sa loob ng 1500-3000 na mga salita, gumawa ng maikling kuwento batay sa tatlong prompt na aming inihanda na pinamagatang In the name of photobomBER, Your forever unsubscriBER, at Please don't rememBER.

Mayroon kayo hanggang ika-30 ng Nobyembre, 2022 upang magpasa ng inyong mga entry.

Para sa buong mechanics ng patimpalak, bisitahin lamang ang WattpadFanFicPH!

---

WattpadRomancePH

Buwan ng katatakutan, buwan din nga ba ng gulatan sa pag-iwan? Oktubre na at kasabay ng Halloween ay ang muling pagsubok sa inyo ng WattpadRomancePH. Sumali na sa 'Di Ba Ito Ang 'Yong GHOSTo? writing contest! Magsulat ng kuwento tungkol sa mga ghoster base sa prompt na aming ibibigay para sa pagkakataon na mai-feature sa aming profile. 

Abangan ang aming updates sa mga darating na araw para sa kumpletong detalye! 

---

At dito na nagtatapos ang October issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan! Maraming salamat sa inyong suporta!

Happy Wattpadding!

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon