April 2022 (ii) Writing ang Multimedia Tips

61 3 0
                                    

PAANO MAGSULAT AT MAGPANATILI NG CLIMAX

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAANO MAGSULAT AT MAGPANATILI NG CLIMAX

Ang climax ng isang kuwento ay isang dramatiko at nakakaganyak na punto ng pagbabago sa isang salaysay--isang mahalagang sandali sa story arc ng kuwento na naghahalo sa pangunahing tauhan laban sa isang magkasalungat na puwersa upang malutas ang pangunahing salungatan. Ito ay isang mahalagang pampanitikang kagamitan sa istraktura ng balangkas : isang sandali kung kailan nagtatapos ang rising action at ang arko ng balangkas ay lumiliko at nagsisimula sa isang bagong punto. Ang climax sa pangkalahatan ay ang pinakamataas na punto kung saan nahaharap ang iyong karakter sa pinakamalaking dilemma o pinakamalaking balakid.

1. Isulat muna ang katapusan - Kadalasan sa proseso ng pagsusulat, ang tensyon ay umaangat sa kalagitnaan ng isang nobela, kaya mabuting ideya na isulat muna ang iyong katapusan. Hindi man ito perpekto, at maaari mo ito palaging palitan kalaunan, pero nakatutulong ang malaman ang climax kung saan patungo ang iyong mga karakter. Ang pagkakaroon ng destinasyon ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng pokus habang nasa "middle muddle." Bagama't mukhang nakatatakot alamin agad ang katapusan, bumalik lang sa iyong nag-iisang dramatikong tanong (ang pangunahing ideya ng iyong nobela), na nagtatago na ng iyong katapusan. 

2. Gumamit ng prologue upang magbigay ng hint sa iyong climax - Ang prologue ay isang magandang instrumento upang maengganyo ang iyong mambabasa sa dramatic action. Minsan, nagpa-flash forward ito sa hinaharap (at pinakikita ang parte ng climax ng kuwento), o tumutukoy sa isang mahalagang pangyayari sa nakaraan na nagpapagalaw sa kuwento (ang catalyst). Ang mga prologue ay gumaganap bilang pangako sa mambabasa na kalaunan ay mararating mo ang climax na iyon o ipaliliwanag ang catalytic act na iyon, ngunit kadalasan ay nag-aalok ang mga ito ng isang malakas na dose ng pagkaintriga o makabagbag-damdamin na aksyon upang tiyakin sa mambabasa na ang nobelang ito ay pananatilihin ang kanilang interes. Ang mga prologue ay lalong kapaki-pakinabang sa mga libro kung saan ang mga pangunahing kabanata ay naglalaan ng oras para ipakilala ang bayani, kontrabida, at ang mundo.

3. Isipin ang iyong storyline bilang isang landas - Ang bawat desisyon na iyong ginagawa ay nilalagay ka sa isang landas, at ang mga pagpipilian ng iyong mga karakter ay mababawasan habang papunta na sa katapusan ang kuwento. Sa simula, mayroong malaking bilang ng magkakaibang landas. Ngunit habang umuusad ang nobela, dapat mas maging klaro sa isipan ng mga mambabasa hindi lang kung anong climax ang dapat maabot ng iyong pangunahing tauhan kundi kung paano mangyayari ang climax na iyon. Ang climax ay hindi kailangang manahulugang mga paputok, ngunit nangangahulugan ito ng isang malalim na pagbabago, para sa iyong pangunahing tauhan o sa kanilang mundo. Anuman ang pagbabagong iyon, binuo mo ang buong kuwento patungo sa sandaling ito. Gumagawa ka ng pangako sa mambabasa na ang salungatang ito ay magaganap sa kalaunan--at malulutas--at ang magandang pagkukuwento ay tutuparin ang mga pangakong ito.

4. Gumamit ng crucible - Ang crucible effect ay kapag ang kapaligiran o sitwasyon ay hindi na maiiwisan ng iyong mga karakter o pinipilit sila patungo sa climax ng kuwento. Ang crucible ay kadalasang nangyayari bilang resulta ng mga desisyon ng mga karakter, na resulta ng mga panggigipit sa kanila. Hindi lahat ng kuwento ay magkakaroon ng crucible, ngunit karamihan ay mayroon. Halimbawa, sa The Lord of the Rings ni Tolkien, paano kung nagpasya si Frodo na hindi dalhin ang singsing sa Mordor? Gumugol si Tolkien ng maraming oras sa pagpapakita na si Frodo lamang ang makapagdadala ng singsing, at nagmumungkahi kung anong mangyayari kapag siya ay nabigo. Lahat ng kanyang mga akda ay bumubuo ng crucible effect para kay Frodo, na nagpaparamdam sa kanya (at sa mambabasa) na wala siyang ibang pagpipilian kundi ang marating ang Mordor, anuman ang magiging epekto nito sa kanya.

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon