May 2022 (iv) News From Around Wattpad

35 3 0
                                    

Ngayong buwan ng Mayo, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!

---

AmbassadorsPH

Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pinangarap na landas na tatahakin. Ngunit sa mundo, hindi lamang iisang daan ang ilalatag sa'yo. Paano kung dumating sa puntong kailangan mong mamili sa dalawang landas : pangarap o buhay. 

Ngayong buwan ng Mayo, pag-usapan natin kung ano nga ba ang mga dahilan kung ano ba nga ang pinipili sa dalawang bagay na nabanggit. 

Sa loob ng 600-800 na salita, magsulat ng isang maikling kwento na sasagot sa inilapag na katanungan at nasusunod ang temang "Life Over Dreams". 

Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates and sticker badge. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!

---

WattpadFanFicPH

Hello FanFicPH people! 

MAY your hearts be filled with love to our oppa's and idols ngayong buwan ng Mayo. Randam na ba ninyo ang init ngayong tag-araw? Kasabay ng matinding init ngayong buwang ito, inihahandog ng WattpadFanficPH ang "That One Summer With My Idol Writing Contest".

Sumulat ng isang maikling kuwento kung saan ikaw at ang iyong paboritong artista, singer, or KPOP idol ang bida sa huling buwan ng tag-init.

Ang contest ay magaganap mula May 5 hanggang May 30, 2022.

I-follow ang WattpadFanFicPH para sa kumpletong detalye at sa susunod pang mga update.

---

WattpadRomancePH

Isang masigabong palakpakan para sa mga masisipag nating Pilipinong manggagawa na... teka, walang happy love life? Bilang ipinagdiriwang natin ang Labor's Day ngayong Mayo, bibigyan kayo ng WattpadRomancePH ng Golden Ticket tungo sa isang masayang love life sa pamamagitan ng pagsali niyo sa aming bagong prompt-writing contest. Sumali na sa Golden Ticket of Love at mabigyan ng pagkakataon na manalo ng Winner Sticker at mapabilang sa aming reading list. 

Magsasara ang contest sa ika-30 ng Mayo, taong 2022.

---

Wattpad Now Season 2

Nakapanood na ba kayo noong Abril? May inaabangan ba kayong magiging guest sa show? Kung kapareho namin ay nasasabik na kayo sa iba pang mga pakulo ng Wattpad Now Season 2, puwes, tumutok lamang sa WattpadPH profile sa kumu tuwing alas nuebe ng gabi (tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes).

Marami rin kaming inihandang mga papremyo kaya manood at makipagkulitan na!

Aasahan namin kayo, ah?

---

At dito na nagtatapos ang May issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan! Maraming salamat sa inyong suporta!

Happy Wattpadding!

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon