July 2022 (i) Meet the Community

146 7 1
                                    

Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!

Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:

Wattpad Stars: Gregor_io, rejmartinez

Undiscovered Writers: You4hia, writeblakewrite

Wattpad Ambassadors: NeifileTheDreamer, Silentheart0512

Halina't kilalanin natin sila!

---

Wattpad Stars

Si Gregor_io ay mahilig sa siyensiya, at ito ang kalimitang pinapatungkulan ng kanyang mga likha. Isang simpleng manunulat, siya'y dalawang beses na napabilang sa mga nagwagi sa taunang patimpalak na Watty Awards, kung saan higit nabibigyang pansin ang kanyang mga nobela. Sinimulan niyang isulat ang kanyang unang nobela na pinamagatang The Felon Mark noong siya'y labimpitong taong gulang. Ilang taon ang lumipas, siya'y nakapagsulat ng tatlong nobela, na para sa kanya ay bunga ng kanyang isang mumunting mithiin at labis na kagustuhan.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni Gregor_io.<<


Si rejmartinez ay nagsimulang magsulat sa Wattpad noong taong 2016 o mas maaga pa. Nagsimula siya sa pagbabasa lamang sa Wattpad taong 2014. Na- inspire siya sa mga nababasa niya kaya nagsimula na rin siyang magsulat din ng sarili niyang istorya noon. Dito sa Wattpad ay nagkaroon siya ng boses simula noon. Pero hindi naging madali ang journey ni Rej sa Wattpad bilang isang manunulat. Maraming beses noon ay naiisip na niyang sumuko sa pagsusulat dahil sa marami ring mga bagay na dahilan nito. Kaya noong makuha siyang maging parte na Wattpad Star ay parang naging isa iyong call na huwag siyang tumigil at magpatuloy lang sa pagsusulat.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni rejmartinez.<<

---

Undiscovered Writers

Si Juli o You4hia ay isang adventurous writer. Nais niyang i-explore at magsulat ng iba't ibang genre. Pero sa ngayon, ay focus siya sa pagsusulat ng Romance at Teen fiction na may masayang wakas. 

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni You4hia.<<


Si writeblakewrite ay isang fanfic writer at indie author. Nagsimula siya sa pagpo-post sa Twitter ng mga socmed fanfic patungkol sa Thai BL actors na si Tay Tawan at New Thitipoom. Isa sa mga socmed fanfic na iyon ay ginawa niyang isang libro at sinelf-publish. Sadista kung tawagin ng kanyang mga mambabasa dahil sa hilig nya magsulat ng angst.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni writeblakewrite.<<

---

Wattpad Ambassadors

Si NeifileTheDreamer ay isang manunulat na nagsimula noong quarantine at siya ngayon ay isa ng Wattpad Ambassador. Anim na taon na simula noong nakilala niya ang Wattpad at hindi nagtagal ay naging parte na ito ng kaniyang buhay. Bukod sa pagbabasa at pagsusulat, mahilig din siyang maglaro ng chess at gumawa ng digital arts.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni NeifileTheDreamer.<<


Si Gypsy Jean o mas kilala bilang Silentheart0512 ay isang Wattpad Writer at Filipino Wattpad Ambassador na nagmumula sa probinsya ng Zamboanga Del Sur. Limang taon na syang Wattpad Ambassador at kabilang sa Wattpad community simula December 2010. Ang mga kakilala at kaibigan nya sa Wattpad ay tinatawag siyang Jean at mahilig syang magsulat ng mga kwento sa dyanrang Romance, TeenFiction at New Adult. Naniniwala sya na ang impossible ay magiging possible pag ginusto mo, "Just always do your best in everything you do and you will achieve anything in life."

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni Silentheart0512.<<

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon