August 2022 (i) Panayam kay Grasya1799

73 4 1
                                    

1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?

Isang taon at isang buwan na akong Wattpad Ambassador. Ako ay kabilang sa Content Team at Sentiments CW Team.


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?

Ang gawain ko bilang Ambassador (Content team) ay panatilihing malinis at safe ang Wattpad sa lahat ng mambabasa. Dahil parte din ako ng Sentiment team, gawain kong i-check ang mga comment sa Paid Stories at bigyang tugon ang mga katanungan ng mga user tulad ng kung paano bumili ng coins at marami pang iba.


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?

Nakapagdesisyon akong maging isang Wattpad Ambassador dahil gusto kong makatulong sa Wattpad community at maging isang mabuting modelo sa aking kapwa mambabasa at manunulat. Para na rin maka-meet ng iba't ibang tao sa loob ng Wattpad community.


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador?

Para sa akin, pinakamasaya ang maging bahagi ng Ambassador program, makatulong sa community at maka-meet ng mga taong kaparehas mo ng layunin. Pinakamahirap naman para saakin ang time management kasi may mga gawain din ako sa labas ng Wattpad na kailangan taposin. Ngunit nakakayanan naman at nagagawa ko ang aking mga task sa tamang oras.


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?

Time management skills lamang ang aking panlaban diyan. Kapag wala akong ginagawa at tapos na sa mga gawain, ay sa Wattpad ko nilalaan ang aking oras. Naniniwala kasi akong kapag mahal mo ang isang bagay mapaglalaanan mo talaga ng oras yan, kahit gaano pa karami ang iyong ginagawa (Charrot. Hindi po ito hugot hahahahaha).


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?

Natutunan kong makipagsalamuha sa iba't ibang tao, at na-realize kong hindi kayang tumbasan ng pera ang kasiyahang dulot ng makatulong ka sa iyong kapwa. Kaya as long as I can help, I will always do my best in everything.


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?

They appreciate your hard work in the community and gives value to all of the hard works you've done in Wattpad. Ang bawat isa rin ay palakaibigan, matulungin at maintindihin.


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

Nakakatulong ang pagiging ambassador ko bilang isang manunulat sa paraang mas pinalawak nito ang aking kaalaman sa pagsusulat at tamang pagsunod sa guidelines ng Wattpad. Nagbukas din ito ng maraming opportunidad upang mas mapalago ko ang aking sarili bilang isang manunulat at mambabasa.


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?

Isa sa mga di ko makakalimutang karanasan ay ang mapabilang ako sa Ambassador Program. Hindi ko akalaing isa ako sa mapipili sa dinami-daming sumubok na mapabilang sa community, kaya labis akong natuwa na napabilang ako rito. I will treasure this moment till the end!


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?

Para saakin ang kritisismo ay normal lamang na ma encounter natin sa buhay, sa labas man o loob ng Wattpad. Marami talagang maipupuna ang mga tao sa kahit anong bagay sa mundo, dahil doon lamang nila na-ipapahayag ang kanilang sarili. Para sa akin, maha-handle ko ang kritisismo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mahabang pasensya at pag-unawa sa mga taong mahilig pumuna kahit ang ginagawa mo naman ay tama. Siguro mas pipiliin ko nalang na gawin ang mga bagay na makakadulot ng mabuti sa community kaysa pansinin ang mga taong patuloy itong binababa.


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?

Sa lahat ng fellow ambassador ko, ipagpatuloy niyo lamang ang mabuting hangarin sa pagtulong at salamat sa patuloy na pagsisikap niyo upang mapabuti ang ating komunidad. Para sa mga nais maging Ambassador, grab the opportunity to join this amazing team. Promise, di kayo magsisi. Keep up the good work everyone, stay safe and God Bless!


1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1. E-book o physical book?

E-book

2. Tea o coffee?

Coffee

3. Mahal mo o mahal ka?

Mahal ako

4. Edward o Jacob?

Edward

5. Jollibee o McDo?

Jollibee my forever fave!

6. Dine-in o delivery?

Delivery

7. Forest o beach?

Forest

8. Tacos o wings?

Wings

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama?

Tulog sa kanan

10. Pusa o aso?

Pusa

11. Sitcom o drama?

Drama

Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon