May 2022 (i) Panayam kay binsoyper

35 4 1
                                    

1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Almost 3 years na akong Wattpad Ambassador at nasa WattpadRomancePH team ako. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Tumutulong ako sa aking team tuwing mayroon kaming planning at ongoing contest. Kasama na don ang pagbabahagi ng mga ideas, pagsagot sa tanong ng mga writers, at minsan ay tumutulong sa judging team. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Nagkaroon ako ng interest sa pagsali sa Wattpad Ambassador program dahil meron akong schoolmate na isang Ambassador, tapos nakita ko na mukhang masaya ang kaniyang ginagawa. Bukod pa ron ay gusto kong tumulong sa Wattpad Community since matagal na akong user nito at ramdam ko na nasa tamang lugar ako. 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

Hindi naman siguro pinakamahirap pero yung first time ko na masali sa isang group or profile. Awkward kasi akong tao so naiilang ako palagi pero habang tumatagal ay naging comfortable na ako. Ang pinakasamasaya naman ay may name-meet akong bagong friends, may nababasa akong stories ng mga hidden gems writers, at may natutunan sa aking ginagawa. 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Honestly, hindi naman gano'n kabigat yung ginagawa ko as Wattpad Ambassador kaya pwede ko lang itong i-insert sa aking free time. 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Isa sa mga natutunan ko ay may magagawa talaga ang grupo kapag nagtutulungan. Dagdag pa ay kung hindi mo alam ang gagawin ay libre lang ang magtanong. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors? 

Very healthy ang culture at working environment ng Wattpad Ambassador dahil tuwing may problema, malaki man o maliit, nabibigyan agad ng attention at solusyon. Ang mga ibang Ambassadors din ay very friendly kahit di kayo kasali sa iisang team. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá? 

Tuwing nagja-judge ako ng entries ay may nababasa akong writers na magaling magsulat like sa paraan nila sa pagsusulat, paggawa ng structure ng story, at unique concept. Sa pamamagitan n'on ay natututunan ko kung ano ang dapat i-improve sa aking sarili. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Siguro ang hindi ko makakalimutang karanasan ay yung mismong araw na natanggap ako bilang Ambassador. Di ako makapaniwala na isa ako sa mga napili sa dami naming nag-apply. 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?

Sa totoo lang ay hindi ako gaanong pumapansin sa mga kritisismo ng Wattpaders o ibang tao sa ating ginagawa. Alam ko na may kabuluhan at tama ang ating ginagawa kaya wala nalang akong sinasabi at para iwas nalang sa gulo. Gayon man, kung may questions naman sila na direkta sa akin ay sinasagot ko naman ito nang mabuti. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Sa lahat ng Ambassadors, especially sa aking team WattpadRomancePH, salamat sa effort niyo sa pagpapanatili ng ating community na hindi toxic at pagbigay ng opportunity sa lahat. Sa mga gusto namang sumali, halina kayo dahil masaya maging ambassador... plus bragging rights. HAHAHA!


1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1. E-book o physical book? 

Physical books talaga ang gusto kong gamitin dahil una ay dagdag sa collection at ikalawa ay feel ko na mas authentic yung mararamdaman ko kapag iyan aking ginagamit. Pero ngayon ay natuto na akong magbasa ng english literatures through E-book dahil may nakita akong nag-post sa FB, nagbibigay ng free files. 

2. Tea o coffee? 

Sa ngayon ay coffee kasi student eh, at ubos na ang stocks ko ng tea rito sa bahay pero game-changer talaga siya lalo na ang ginger honey tea. 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Syempre mahal ko, martyr tayo rito. LOL. 

4. Edward o Jacob? 

Team Edward kasi may mind-reading ability. 

5. Jollibee o McDo? 

Jollibee for their burger pero the rest na pagkain or drinks ay McDo na. 

6. Dine-in o delivery? 

Dine-in talaga kasi gusto ko yung may interaction ng mga tao kahit di naman nagpapansinan. Isa pa ay relaxing din habang nag-uusap ako with friends habang nagda-dine-in. 

7. Forest o beach? 

Forest! Gusto ko mag-hiking at pumunta sa mga gubat. Ito aking gusto dahil dala na rin siguro ng aking course. 

8. Tacos o wings? 

Tacos pero magaling ako magluto ng wings. 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama? 

Depende ito kung saang direksyon ang wall. Dapat talaga kapag natutulog ako kay nakatalikod ako sa wall para alam kong walang tatabi sa akin na kahit anong masamang elemento. 

10. Pusa o aso? 

Dog person ako. Actually may walo kaming aso rito sa bahay. 

11. Sitcom o drama? 

Drama talaga, kalalaki kong tao pero mahilig akong mag-emote. Gusto ko yung pinapanuod ko ay masasaktan ako nang husto or sasakit aking ulo sa kakaisip ng plot. Isa sa mga pinakagusto kong drama na series na naiisip ngayon ay Normal People—lowkey recommending it sa mga babasa nito.


Community Newsletter (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon