Chapter Three

25.8K 469 93
                                    

It's been three days since that night happened. I distanced myself from him because I feel like I am suffocating him whenever I am near.

Kahit pa gusto ko siya-mali, mahal ko siya, ayaw ko pa rin namang tuluyan niya akong ayawan nang dahil sa mga ginagawa kong pagpapapansin. Kung tutuusin, hindi ko pa nga ginagawa ang best ko.

Iniiwasan ko siya, lalabas lang ako ng kuwarto ko kapag alam kong nakaalis na siya. Kakain lang din ako kapag alam kong tapos na siya. Babawian ko na lang siya sa susunod. Nahihiya pa rin kasi ako hanggang ngayon.

Ang mag-asawa, bihira kong makita kasi abala talaga sa trabaho. Sina Jai at Zai, madalang lang din dahil may mga trabaho rin naman sila. Tuwing gabi ko lang sila nakikita. Totoo nga ang sinabi ni Jai na walang ibang kakausap sa akin dito. Ang mga katulong tuloy ang kinukulit ko.

Last night, I contacted my high school best friend. Bored na ako rito. Magkikita kami mamaya ni Kylei. Ang gaga kasi, dalawang taon na rin noong huli ko siyang nakita. She was devastated that time because his father doesn't want her to take law.

Until now, ayaw pa rin siyang payagan ni Tito Reynald. Napilitan siyang pasukin ang industriya ng modeling dahil kung hindi, mabuburo siya sa bahay nila dahil sabi ni Tito, mas okay nang wala siyang gawin kaysa i-pursue niya ang pag-aabogado.

I don't understand why he needs to cut his daughter's wings.

Pangarap ni Kylei 'yon, bakit niya pinipigilan?

Napailing na lang ako dahil maging ako ay hindi rin naman alam ang sagot. Nalulungkot lang ako para sa kaniya kasi ramdam kong gusto niya talagang maging Attorney.

Sinipat kong muli ang sarili ko sa salamin. I just wore a black bodycon dress which defined my curves. Nagsuot din ako ng four inches heels para naman hindi ako magmukhang maliit at ayaw kong magmukhang maliit kapag kasama ko na si Kylei mamaya. Nakakahiya naman sa tangkad ng babaeng 'yon.

I put light make-up on my face to look fresh and presentable. Finishing touches and I'm done.

Lumabas na ako ng kwarto, wala na naman akong makitang tao sa labas. Ang mga maid yata ay naroon din sa kwarto nila't nagpapahinga.

Kanino kaya ako magpapaalam?

"Where are you going?"

Cai's voice behind my back startled me. I turned to him and saw that he's wearing his usual clothes when he's home. Hindi yata siya pumasok.

"L-lalabas lang," nauutal kong sagot.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Saang labas?"

"D'yan lang sa malapit na mall."

"Date?"

Mabilis akong umiling. "No, I'm going to meet Kylei. Remember her?"

"The Politician's daughter?"

"Yeah," I answered. "A-ano... wala kasi akong magawa rito kaya... lalabas na muna ako."

He nodded slowly. "Okay, wait for me here." Tumalikod siya at pumasok ulit sa kwarto niya.

Mabilis na nangunot ang noo ko. Hindi ko malaman kung ano na naman ang nasa isip ni Cai. Mabait na naman yata siya ngayon tapos mamaya biglang magiging masungit.

Masakit pa naman siya magsalita. Tagos sa hypothalamus, sagad hanggang buto.

Pinagmasdan ko ang ibaba habang hinihintay siya. Hindi ko alam kung bakit pinaghihintay niya ako ngayon pero madali naman akong kausap.

Will this setup work?

Will I win his heart?

I sighed. I am not sure but I am trying my best. If thisdoes not work, I'll stop. Cai loving me back is uncertain.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon