Chapter Thirty-six

21.5K 296 30
                                    

I let out a deep breath and slowly opened my eyes after coming out of the plane.

Hindi man lang ako makaramdam kahit kaunting tuwa kasi nakabalik na ako kung saan talaga ako galing.

It wasn't the same feeling I felt when I came home from New York. The excitement isn't there anymore. Perhaps, because I know that the one I look forward to, is now the reason why I don't want to go back.

He made me come back before, but he also made me want to leave again.

Parang wala ako sa sarili habang naglalakad at saka naupo sa isang bench. Walang gana kong kinuha ang phone ko saka sinabi na driver na sunduin ako sa airport.

While waiting, I shut my eyes off. I'm not trying to sleep. Masyado lamang akong nalulunod sa pag-iisip. Kung kumusta na ang mga magulang ko at ano ang ginagawa nila ngayon. Ang dami-dami kong tanong, kabilang na roon kung totoo nga ba na ginawa nila ang bagay na 'yon.

I don't want to believe it. Hindi ko maisip na kaya nilang gawin iyon dahil nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano nila pinaghihirapan ang mga bagay na mayroon sila ngayon.

Muli akong nagmulat at napatingin sa tiyan ko. Hinimas ko iyon. Sumagi na naman bigla sa isip ko ang tatay niya.

This is one of the things that bothers me every night . . . if I should tell him that I am pregnant with his baby.

If I tell him, natatakot ako sa kung ano ang mangyayari . . . kung ano ang magiging consequence. May anak siya kay Lheen, may anak siya sa akin.

Plano niya ba gumawa ng limang anak pero lahat panganay?

Peste na 'yan!

Pagod na pagod ako sa napakahabang biyahe. Hindi ako nakatulog nang maayos, pati kumain ay hindi ko magawa. Kaunti lang ang kinakain ko pero inaayawan ko na rin.

Siguro mukha na akong baliw sa itsura ko ngayon.

I also wonder how I will tell my parents that their child got pregnant.

"Ma'am!"

Nagising ang diwa ko nang tawagin ako ng driver namin. Tumayo na ako saka hinila ang maleta ko, kinuha niya ito mula sa akin at siya na ang humila no'n.

Kataka-takang inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ako sa kotse. Hindi ko maalis ang pagkakunot ng noo ko dahil sa ingat niya sa pag-alalay sa akin.

Sa huli'y napabuntong-hininga na lamang ako at tumingin sa labas ng bintana habang tinatahak na namin ang daan pauwi.

"Kumusta sila mommy, Kuya Eric?" tanong ko saka lumingon sa kaniya.

Sinilip niya ako sa salamin sa itaas niya. "Maayos naman po sila, Ma'am."

"T-their issue . . ." I trailed off. Umiling na lang ako saka muling lumingon sa bintana. "Nevermind. Kakausapin ko na lang sila pag-uwi."

Medyo natagalan kami sa pag-uwi dahil traffic. Hindi ko tuloy maiwasang mairita habang nasa daan kami. Alam ko namang epekto ng pagbubuntis ko ang pabago-bago kong mood. Hindi talaga maiiwasan iyon pero minsan naiirita na ako sa sarili ko dahil naiirita ako sa walang kakuwenta-kuwentang mga bagay.

"Nandito na po tayo, Ma'am," ani Kuya Eric at nagmamadaling lumabas ng sasakyan upang pagbuksan at alalayan ako.

"Alam ko po. Kilala ko pa naman ang bahay namin, Kuya," pilosopo kong sagot saka tumawa.

Sinalubong kami ng mga kasambahay at maging sila'y inalalayan ako. Hindi naman ako pilay o ano, bakit nila ginagawa ito?

Hindi ko na lang pinansin at hinayaan ko na lang sila. Nang makapasok kami, napatigil ako sa paglalakad at napako na lamang ako sa kinatatayuan ko. Isa-isa namang nag-alisan ang mga kasambahay na kanina lamang ay inaalalayan ako.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon