Chapter Thirty-two

19.2K 288 25
                                    

My tears rolled down while writing a letter on a piece of paper. I compiled all the words I wanted to say to him. Hindi ko na kayang makipagkita sa kaniya at sabihin sa kaniya nang harapan ang mga salitang gusto kong sabihin.

I almost ran out of breath because of the excruciating pain I feel right now.

What did I do to deserve this kind of pain?

I just loved and I just want to feel loved.

Basang-basa na ang papel na sinusulatan ko pero nagpatuloy pa rin ako. Gusto na ring makisabay sa pagtulo ng sipon sa luha ko, para tuloy akong batang singhot nang singhot. Hindi ko na rin maintindihan ang sulat-kamay ko.

Suminghap ako at dahan-dahang nagpakawala ng isang malalim na hininga para kumalma ako kahit papaano.

I don't know why I am doing this. I don't even know how I will give this to him. Ayaw ko nang magpakita sa kaniya.

I had a hard time believing Lheen because I have so many what ifs. But the proof she showed to me is enough to tell that he really has a relationship with Lheen.

Of course, I also doubt if she's telling the truth or she is just fooling me, but what about their photos in a hotel? His smile in the picture was the same smile he gives when he's with me.

I know that Lheen is really a bitch, pero paano kung totoo ngang ang ama ng ipinagbubuntis niya ay si Cai at hindi ako naniwala sa kaniya? Paano na lang ang bata? Hindi kaya ng konsensya ko na ako ang magiging dahilan para hindi magkaroon ng tatay at kumpletong pamilya ang isang inosenteng bata.

Masakit man para sa akin pero kailangan ko siyang palayain.

Baka sa susunod na buhay, puwede na kaming dalawa at wala nang hahadlang.

Sa susunod na buhay, sana magtagpo ulit ang landas naming dalawa at kami ang magkatuluyan hanggang sa wakas.

Tamang tao siya pero hindi siya ang nakalaan para sa akin.

Nang matapos akong isulat lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya ay maingat ko itong itinupi at isinilid sa isang sobre. Huling sulat ko para sa kaniya pero pinaghandaan ko pa rin katulad no'ng mga letter na ibinibigay ko sa kaniya noong mga bata pa kami.

Nilagyan ko pa rin iyon ng designs kahit sobrang nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga pesteng luha na ayaw magpaawat sa pagtulo.

Naglagay rin ako ng developed pictures namin together. Remembrance man lang niya.

Inilagay ko rin sa sulat na kunin niya akong ninang ng anak niya pero wala akong balak na tawaging mare ang bruhildang nanay ng magiging anak niya.

Nilagay ko lahat sa isang maliit na box saka ipinatong sa taas ang sulat. Napatingin ako sa darili ko at napangiti nang mapait sa alaalang bumalik sa utak ko. Hinaplos ko ang promise ring na ibinigay niya. Sobrang halaga nito sa akin pero kailangan ko na rin siguro itong ibalik.

Sunod-sunod ang naging paghikbi ko habang dahan-dahang inaalis ang singsing sa daliri ko at inilagay na sa ibabaw ng sulat.

Sobrang sakit, parang hindi ko siya kayang i-let go pero kailangan.

Nang matapos ako sa pag-iyak, tinawagan ko si Jai. Hindi pa man nakakadalawang ring ay sinagot niya na ang tawag.

"Hello?" bungad niya. "Hello, Mil? Bakit ka napatawag? Do you need anything?"

I had a hard time thinking what I would say to him. Our line was silent for a couple of minutes. Hindi siya nagsasalita at alam kong hinihintay niya lang akong magsalita.

"J-Jai . . ."

"Hmm?" He sighed. "Mil, if you need anything I'm just here. Don't hesitate."

"C-can you go here? In my house," I uttered. "I'll give you something."

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon