Chapter Nine

23.2K 369 17
                                    

"Milgrace Avery 'tulala' Delos Santos," ani Kylei.

Bumalik ako sa reyalidad nang tawagin niya ako. Nalulunod kasi ako sa pag-iisip. May naiisip akong plano para mapansin na rin ako ni Cai. Puro na lang talaga siya ang laman ng isip ko. Akala mo nagbabayad ng renta, hindi naman.

"Bakit?" tanong ko nang makitang nakatitig sila sa akin ni Raya.

"Kanina pa kami nagsasalita, you're spacing out. Ano bang iniisip mo?" tanong ni Ky.

"Wala," mabilis kong sagot. "Ano bang pinag-uusapan ninyo?"

"Therene-"

"Kylei," pagputol ni Ky kay Raya.

The latter sighed and rolled her eyes. "Nagrereklamo siya na ginugulo siya ni Jairus. Tsk. Feeling niya gusto siya no'ng tao. Eh, gano'n naman talaga ang isang 'yon."

Natawa ako dahil nagsisimula na naman silang mag-iringan. Para silang mga bata.

"Ikaw nga kunwari pang ayaw magpakasal kay Zairus," ani Ky.

Nagtinginan na naman sila nang masama. Bago pa sila mag-away, e, pumagitna na ako.

"Ako nga umaasa kay Cairus," mapait kong sabi saka natawa. "Are we trying to hit the Villaverde brothers?"

They both shook their heads. "Ikaw lang," sabi ni Kylei.

"Sabi ko nga ako lang tanga."

Nasa isang restaurant kami malapit sa office ko. Ang alam ni Kylei kaming dalawa lang, ang hindi niya alam, in-invite ko rin si Raya for a lunch at hindi niya rin alam na kasama si Ky.

I want to be close with Raya and I want them to be friends. Alam ko rin namang gusto nila pero masyado lang matataas ang pride nila at pilit nagpapalamangan.

"Hindi ka ba nagkaroon ng boyfriend sa New York?" tanong ni Raya.

Umiling ako. "May mga gustong manligaw pero tinatanggihan ko. Feeling ko kasi kapag pinayagan ko sila, parang nag-cheat na rin ako kay Cai."

"Ay, tanga nga," komento ni Kylei. "Sa paanong paraan ka naman nag-cheat sa lagay na 'yon? Wala naman kayong relasyon."

"Aray! Ang sakit, ha! Kaibigan ba talaga kita?" pikon ko kunwaring tanong. "Tsk. Wait mo lang, magiging kami rin ni Cai."

"Kailan pa 'yan? Kita mo nga si Raya, mauunahan ka pang maging Villaverde."

"Why don't you talk to Tita Meryll and request to set you in an arrange marriage?" Raya jokingly asked. "Or if you really want to be one of them, we can switch. Ikaw na lang magpakasal kay Zai."

"Hell no!" I immediately refused. "I can't stay longer with him in a room. It's suffocating! Ang sama-sama niya tumingin. Feeling ko gusto niya akong patayin."

"Pero paano nga bang nangyari na arranged marriage kayo ni Zairus?" tanong ni Kylei kay Raya.

Raya heaved a deep sigh and looked outside the glass window of the restaurant. "It's a long story to tell. My mom was the one who asked for this. I wanted to be mad but I just can't."

"You don't really want to be married to him?" I asked.

She looked at me and smiled weakly. "I don't have plans marrying someone but I don't have a choice anymore. This is the only thing I can do for my mom."

"What about you, Mil? Si Cairus lang talaga gusto mong pakasalan?" tanong ni Kylei. "Baka need mo na gayumahin?"

"Tanga! Ginawa ko na 'yan noong high school, hindi naman tumalab," biro ko. "Pero seryoso, paano kaya ako mapapansin ni Cai?"

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon