Chapter Thirty

21.2K 287 13
                                    

Gabi-gabi kong iniiyak 'yong nakita ko. Pinipilit ko ang sarili kong maniwala sa sinabi ni Cai pero masakit talaga sa tuwing babalik sa alaala ko ang magkadikit nilang labi.

Pinipilit ko ang sarili kong magmukhang ayos lang sa harap nina mommy at daddy. Pinapakita kong walang problema kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

Palagi ko siyang nakikita sa labas ng bahay, gusto niyang makipag-usap pero hindi ko siya magawang maharap.

I just want a space away from him. Akala ko naiintindihan niya 'yon kasi iyon ang sinabi niya.

Every time I'll see him, picture of Lheen kissing him is only what I remember. Paano ko iyon makakalimutan kung palagi ko na lang siyang makikita?

Even though Tita Meryll told me and explained to me everything, I just can't help but feel hurt. Hindi madaling maniwala. Anak nila si Cai kaya siguradong ipagtatanggol nila. Hindi naman sa pati sila'y pinagdududahan ko pero sadyang mahirap lang maniwala sa ngayon.

Kahit sinabi nilang wala na si Lheen sa kumpanya nila at sinabing hindi niya sinasadya ang ginawa niya, hindi pa rin no'n maaayos ang kalooban ko. Hindi no'n mahihilom ang sugat na ginawa niya sa puso ko.

Hindi na basta inis lang ang nararamdaman ko sa kaniya kundi galit dahil sa sobrang desperada niyang masira kami. Huwag lang siyang magpapakita sa akin dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya.

Hindi ako nananakit pero baka masaktan ko siya oras na makita ko siya. What she did isn't just something that should be taken lightly.

For a low class bitch like her who's happy ruining a relationship, she deserves to receive a 360 degrees slap.

Iyong sampal na hindi niya makakalimutan at tipong babakat ang kamay ko sa magaspang niyang mukha.

Madalas wala ako sa focus sa trabaho sa sobrang frustrated ko. Inis na inis na rin ako sa sarili ko dahil pati trabaho ko naaapektuhan dahil sa kanila.

Hindi sila mawala sa isip ko. Paggising ko sa umaga, habang naliligo, habang kumakain, habang nagmamaneho, habang nasa trabaho, hanggang sa pagtulog. Ipipikit ko na lang ang mga mata ko pero sila pa rin ang nakikita ko.

Mabuti na nga lang at hindi na sila umaabot sa panaginip ko. Sobrang pahirap na sa akin no'n.

Umaga na naman. Panibagong araw na kailangang harapin at iraos.

Dumiretso ako sa sasakyan ko. Bumili ako ng sasakyan ko kasi na-realize ko na kailangan ko pala talaga nito. Hindi dapat ako masyadong dumepende sa ibang tao. Hindi dapat ako masyadong umaasa sa kanila.

Pinilit kong magmukhang ayos lang nang makarating ako sa office ko. Ngumiti at bumati ako sa guard kahit sa loob ko'y 'di naman talaga ako masaya.

Labas ang trabaho ko sa problema ko kaya hindi ko dapat dinadala rito. Matuto dapat akong ihiwalay ang personal na problema sa trabaho. Ang lagay kasi ay sobra akong naapektuhan kaya't lumalabas iyon sa mga designs ko.

Pangit, parang pagmumukha ni Lheen.

Walang buhay.

Next siyang mawawalan ng buhay.

I sighed. I took my sketchpad and my pencil inside the drawer, determined to start my work and finish it without being distracted.

Pero hindi pa nga ako nagsisimula, parang nawawalan na ako ng gana.

I just want to do my work peacefully. Without any distractions that have nothing to do with my designs.

Raya and Kylei have no idea about what I'm going through. Alam kong handa naman silang makinig sa akin but I'm not ready yet to speak up.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon